Episode 70

648 29 10
                                    

this episode is dedicated to: @MhineFriendz88

-ang cover photo maker ng mata. Salamat Mhine ha. Super thankyou talaga. Kapag po nabago na ang cover ng MATA siya po ang gumawa nun hehe (asensado na ang Lola niyo)-

****************************

Konting-konti na lang at magsasara na ang natitirang butas sa itaas. At nabubutas din ng mga nagbabagasakang lava at asupre ang shield ko.

Oo nga pala! Lupa!

Naalala ko nga palang nakatungtong ako sa lupa. Iniangat ko ng buong lakas at kapangyarihan ko ang tinutungtungan ko hanggang sa maabot ko ang natitirang butas sa itaas.

At bago pa tuluyang magsara ito at lunurin ng lava ang lupang tinatapakan ko ay tumalon ako patungo sa isa pang umbok na lupa.

Kaunti na lang ang nakikita kong umbok ng lupa. Ang iba'y napasama na sa paglubog ng higanteng pader ng lava na iyon. At ang masaklap pa ay ang mga natitirang lupa ay ukupado na ng mga incubus at succubus.

Wala na akong mapagpipilian. Kailangan ko pang lalong lumaban.

Bago pa ako makalapag sa lupa ay nakaabang na sa akin ang mga kalaban. Kinukontrol na nila ang apoy. Gumagamit na sila ng fire element. Ibig sabihin, seryoso na silang lalaban sa akin. At element to element na ang labanan.

Lumapag ako sa pinakagitna ng mga incubus at succubus na nasa pinakamalapit na umbok ng lupang aking mapupuntahan. At pagkalapag ko ay agad silang nagtabihan. Nakapagtatakang iniwasan nila ako. Inihanda ko ang sarili ko sa gagawin nilang pagsalakay ng sabay-sabay. Subalit, nakatingin lang sila sa akin na para bang may kung ano pang hinihintay. Nasa gilid silang lahat at nakatingin lang sa akin.

Maya-maya'y sabay-sabay nilang kinuntrol ang lava. Pinaangat nila uli hanggang sa mapalibutan na kami. Ginawa uli nila itong higanteng pader.

Isasakripisyo ba nila ang sarili nila?! Para lang mapatay ako?!

Sinabayan ko sila sa pagkontrol ng lava. Subalit kabaliktaran ang aking gagawin, muli ko itong papababain.

Kaya lang--------

hindi ko na makontrol ang lava ngayon!

Bakit?!

At habang tumataas na naman ang lava ay nakita kong may mga daan-daang ispiritual arrows na paparating sa kinaroroonan namin. Naglalagablab ang mga iyon. At lahat ay sa amin lang patungo. Nanggaling sa ibat-ibang direksyon.

Napatungo ako saglit.

Nag-iisip.

Hindi ko maaaring salubungin ang mga arrows na nag-aapoy dahil maaaring mawala ang aking shield. Hindi rin ako pwedeng manatili dito. Matutupok ako ng lava.

Pinagpapawisan ako sa sobrang pag-iisip at pag-aalala. At mula din sa kanina ko pang pakikipaglaban.

Pawis?!

Tubig?!

Tubig!!!!

Nagkaroon ako ng ideya. Buhat sa mga butil butil na pawis na inilabas ng aking katawan ay magkakaroon ako ng bagong sandata.

Ginamit ko ang mga pawis ko, bawat butil nito ay mahalaga sa.ganitong uri ng lugar.

Pinatigas ko ang bawat butil ng aking pawis hanggang sa maging dyamante ang itsura nito.

Pinagdalisay ko rin ang mga iyon upang maging tulad ng tubig ng.buhay.

Na nakakapagdalisay at nakakalinis ng ispiritu.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon