this episode is dedicated to:
---------@riku24-----------
***********
Mula sa kabilang banda ng babaylan ay may sumulpot na isang bulto ng liwanag. Isang nakakamanghang liwanag. Naghahalo ang puti at maasul-asul na kulay nito. At nababalutan ng isa pang matingkad na liwanag na tila nagpapaningning sa kanya.
"Sandali lang" ang kanyang tinig.
Tinig niya na mahinahon. Na nakakapagpayapa ng pusong binabagabag. Tinig na, may dalang kapangyarihang hindi masukat.
Yung tinig na yun-----parang narinig ko na.
Parang nagkausap na kami dati....
At yung liwanag na yun-----
parang hindi ito ang unang beses na nakita ko siya.
Parang hindi siya iba sa akin.
Inisip ko kung saan at paano kami nagkita. Alam kong nagkatagpo na kami dati. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
Pinilit kong halukayin ang buhol buhol kong utak.
Ah!.....y-yung ispiritung yun---
Bigla na lang pumasok sa isip ko na yung mahiwagang ispiritu at siya ay magtulad sa maraming bagay!
Nung unang beses ko siyang nakita at nakausap ay nung huminto yung oras.
Pero-----
may pinagkaiba sila....
yung nakausap ko dati, mas makapangyarihan.
At siya-----
parang-----parang-----
napatingin ako sa katawang karga karga ko sa aking braso.
Hindi kaya----ang ispiritung yan ang ispiritu ni Neneng?!
"Sino kang pakialamera ka!?" tanong ng babaylan.
Hindi siya sumagot sa halip ay itinuro niya ang katawan na karga ko.
"Ipagpaumanhin mo kung bahagya akong natagalan. Sadyang nahirapan akong bumalik agad. Ito ang unang pagkakaton kong ginawa ito....ang iwan pansamantala ang aking katawan." hindi ko maintindihan.....
Si Neneng------
Iniunat niya ang kanyang kamay at pinayapa ang paligid. Nawala ang apoy maging ang nagagalit na hangin ay biglang napalis na para bang walang nangyari.
At nagsimula siyang bumaba sa lupa. Titig na titig ako sa kanya. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako, dahil sa kanyang husay o maiinis dahil nagawa niyang iwan ang katawan niya gayong alam niyang maaari yung mamamatay ng tuluyan.
Pero may dalawang sigurado ako sa aking nararamdaman. Nagtataka ako at naguguluhan.
Lumalakad siyang palapit sa akin. At ganun pa rin ako sa kanya. Titig na titig.
Huminto siya sa paglakad ng may ilang hakbang na lang ang pagitan namin.
Si Neneng nga ang ispiritung ito...
Binalak niyang hawakan yung katawan niya pero tila may kuryenteng bumabalot dito at hindi niya magawang makabalik. Napaatras ang kamay niya matapos siyang daluyan ng enerhiyang tumutulak sa kanya palayo.
Bigla naming nadinig ang malulutong na tawa ng babaylan na parang nang-aasar. "Huli na! Hindi ka na makakapasok! Nilagyan ko ng sumpa ang katawang yan. Hindi mo na magagawang pasukin yang muli! Ako na---ako na ang siyang nagmamay-ari sa katawang iyan at ako lang ang siyang makakapsok diyan at wala nang iba! Ahahahahhaha" pareho kaming napalingon sa babaylan at alam kong pareho kaming nakaramdam ng pagkainis sa kanya.
