Episode 69

630 24 5
                                    

this episode is dedicated to: once again...... @eudghie

-salamat sa pagsubaybay ha. Sorry kung napaiyak ka in public dahil sa pagkawala ni Arah. Di bale babawiin natin si Norman para sa kanya hahaha. Aja!-

*************

Nagpaulan ako ng maraming ispiritual arrows na gawa sa element of fire. Dahil wala naman akong ibang magagamit na element dito kundi fire lang at land. Walang hangin ang lugar na ito kaya hindi ko magagamit ang air.

Wala ding tubig kaya hindi ko rin magagamit ang water element.

Sa dami ng pinakawalan kong fire arrows walang tinamaan kahit isa. Ang bibilis nilang umiwas. At ngayon ay lumilipad silang palapit sa akin.

Tumalon ako sa kabilang umbok ng lupa para iwasan yung mga paparating na succubus. Subalit may nakaabang namang mga incubus sa bahaging yun.

Pinagalaw ko ang dagat-dagatang apoy na may kumukulong lava,  hanggang sa tumaas ang lava upang salubungin ang mga incubus na naghahanda ng sumugod sa akin at itinulak ko ang lava upang mahulog sila sa ibaba.

Pagkatapak ko ay nahatak ang aking atensyon ng mga humihiyaw at nangingisay na mga incubus na nahulog kumukulong lava at asupre.

Ibig sabihin.....

Pwede ko silang ihulog lahat dun. Mukhang hindi naman sila makaalis dun.

Nararamdaman nila ang epekto ng asupre. Kunsabagay, iyon nga pala ang naghihintay na parusa sa mga nagkalasang ispiritu. Ang asupre ang tanging nakapagbibigay ng sakit sa mga ispiritu.

Naramdaman kong may paparating na naman sa gawing kanan ko at inulit ko uli yung ginawa ko kanina para muli silang mahulog subalit nakaiwas sila.

Mukhang hindi ko pwedeng ulit-ulitin ang bawat atake ko. Nag-iisip din pala sila!

Pinaangat ko na lang ang mga umbok ng lupa at pinatamaan sila. Dahil sa malalaki naman ang bawat umbok ng lupa ay grupo grupo ang mga tinatamaan. Kapag nasasapol sila ay pinapagalaw kong muli ang lupa upang itulak sila patungo sa kumukulong lava. Para silang mga bola ng bilyar na tinatarget ko para magshoot sa butas. Ang iba ay nahuhulog ngunit may ilang nakakaligtas. Mayroon namang nakaligtas nga sa pagkahulog ngunit tinatamaan naman ng kidlat kaya bumagsak din sila sa apoy at asupre.

Maya-maya'y nagsabay-sabay naman sa paglusob sa akin ang ibang mga natira mula sa mga unang lumusob.

At ngayon ay napapalibutan na nila ako!

Nung malapit na sila ay pinaangat ko ang lava at ginawa kong pader para maging shield ko upang maprotektahan ko ang sarili ko at maging sandata ko na rin. Pagkatapos ay binalutan ko ng lava ang mga incubus at succubus na lumilipad sa ere at inihulog sila sa dagat-dagatang apoy.

Muli kong pinayapa ang apoy upang makita ko ang kaganapan sa paligid. At muli kong itinuon ang paningin ko kay Norman at sa sandatang nakaamba sa kanyang leeg.

Kailangan kong makuha yung sandata ko.

Napatingin din ako sa hour glass na nananatili pa ring nakalutang sa ere. Malaki ito at kitang-kita ang bawat paglaglag ng mga buhangin.

Medyo mahaba pa ang oras.

Muli akong nagpaulan ng mga arrows ko na sa pagkakataong ito ay binalutan ko mismo ng apoy at asupre. Sinigurado kong may tatamaan ang palaso. At ang lahat ng tinatamaan ay nahulog nga sa lava tulad ng nasa plano ko.

Matapos iyon ay nagsimula na akong sumugod upang makausad palapit sa kinaroroonan ni Norman. Isinasabay ko ang pagpapakawala ng mga libu-libong ispiritual arrows sa bawat galaw ko. Mukhang nasorpresa ko sila sa atake kong iyon. Habang abala sila kung paano nila maiiwasan ang mga ispiritual arrows ay siya namang pagtuloy ko sa pag-usad  palapit kay Norman. Panay ang iwas ko sa mga kidlat na mabibilis na tumatama sa lupa. Patalon-talon ako sa maliliit na bahagi ng lupang nakalutang na lang sa lava. At kapag naiiwan ko na iyon ay siya namang pagtama ng kidlat na naging sanhi ng pagkadurog niyon at paglubog sa lava.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon