Episode 67

671 33 38
                                        

Note:

Itong episode na ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng episode ng MATA.

At dahil favorite ko ito....

I will dedicate this to myself

@HAERONHERC/Lola Shinang

***********/*******/*

Naupo siya sa swing na iniwan ni Jullienne. Alam ko na ang sadya niya. At siya talaga ang hinihintay ko. "Gusto mo? Inom ka." alok ko sa kanya. Na parang makakainom talaga siya.

"Hindi ako umiinom o kahit kumain man lang."

"Anong balak mo?" tanong ko ulit.

"Wala."

Napalingon ako sa kanya. Mukha ngang wala. Panatag lang siya habang dinuduyan ang sarili.

"Ikaw? Nakapagpasya ka na ba?" tanong niya.

"Parang oo na parang hindi" nagbuntong-hininga muna ako bago nagsalita uli. "makakaya mo bang iligtas siya?" seryoso kong tanong.

"Oo naman." wow! Believe ako sa tiwala niya sa sarili niya.

"Bakit nakarating ka na ba sa underground?"

"Oo. Nung minsang hinanap ko ang nagbigay sa akin ng sandata ko."

"Taga doon ba?!" bigla akong nacurious. Para kasing anghel yung nagbigay sa kanya. Kunsabagay may anghel nga pala dun.

"Oo. Doon ko siya natagpuan. At sabi niya hindi pa panahon upang magpunta ako doon kung kaya ibinalik niya ako."

"Anong masasabi mo sa lugar na yun?"

"Ang lugar na iyon ang dimensyon o damdamin ng mga naroroon.Akala ng lahat kapag sinabing underground impyerno na. Subalit ito ay lugar kung saan ipinapakita sa iyo ang nasa imahinasyon mo. O minsan kapag napaglalaruan ka ng mga tagaroon ay kabaliktaran ang ipapakita sa'yo" bigla tuloy naisip nung sandaling nagpunta ako doon. Kabaliktaran nga ng laman ng imahinasyon ko ang nakita ko. "ang lugar na iyon ay tahanan ng mga ispiritung isinumpa at tumalikod. Doon nakikita nila ang lugar na iyon bilang kanilang langit. Langit na walang batas. Malaya ang lahat na gawin ang naisin nila. Oo nga at kawangis ito ng sinasabing impyerno subalit malaki ang pagkakaiba. Ang lugar na yun ay napakaraming dimensyon at bawat dimensyon ay nakadepende sa nakatira doon."

"Hindi ka natatakot na bumalik doon at hindi ka ba natatakot sa mga kakaharapin mo kung sakali?"

"Kung may takot ka....tumakbo ka. Kung matapang ka sumugod ka. Kung matalino ka, wag kang mag-isip. At kung may puso ka, mas makabubuting hindi iyon paganahin sa ganoong lugar."

"Maipapangako mo bang maibabalik mo siya?" yung tanong na yun, ayokong tumatanggap ng ibang sagot. Dahil pag nagkamali siya, wala akong ibibigay sa kanya.

"Oo. Magagawa ko siyang ibalik subalit maaaring hindi ko magawa sa aking sarili." bakit ba masyado siyang panatag? Bakit parang napakadali lang para sa kanya. Para bang makikipaglaro lang siya ng basketball sa lugar na iyon.

"Mabuti..." inalok ko uli sa siya ng alak. "inom ka"

At ngayon....ang kailangan ko na lang gawin ay ang kumbinsihin ko ang sarili kong ibalik na sa kanya ang katawan ko. Panay ang inom ko ng alak habang nagbibilang ako ng bituin sa langit. Siguro may alas otso na ng gabi. At bawat bituin na nabibilang ko ay siyang bawat patak uli ng luha ko.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon