dedicated ko syempre kay ClarissaTorre 'tong Epilouge na 'to......
-hihihihi sana magustuhan mo-------at sana-----mabitin ka----hihihihihi-
-ang mabitin kayo ay ang aking kaligayahan hihihihihi-
**************
Note: Hihihihihi...... Epilouge na din tsawakat.......hihihihi. Kaya bulabugin niyo na ng comments ang comment box ha. Gusto ko malaman ang feedback niyo. Time to comment na ha. Mga reklamo, request, lahat ng gusto niyong sabihin, galit man yan o tuwa hihihihi, basta walang mura ha...bad yun. Makinig ka sa Lola mo. Listen to Hahlmoenee hihihihihi.... Irereply ko po ang bawat comments niyo sa epilouge promise. Yung silent readers jan, konting ingay naman ha....hihihihi (tawang bruha yan hihihihi)
Sige na nga. Sa susunod hindi na ako magiging sadista sa bida....yung bida na lang lang ang gagawin kong sadista.....hihihihi (jowk)
*salamat po sa pagbasa*
****************
Naramdaman ko ang lamig na bumabalot sa katawan ko at nanunuot sa aking kalamnan. Matigas ang kung ano mang bumabalot sa akin na 'to.
Parang balot ng yelo ang aking katawan. Maliban sa mukha ko.
Dumilat ako at inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Banyo!
Nasa loob ako ng banyo. At kung hindi ako nagkakamali, nasa tub ako na may nagyeyelong tubig.
Tinunaw ko ang yelo gamit ang kapangyarihan ko. At saka ako dahan-dahang tumayo.
Nakita ko ang damit na nakatupi sa ibabaw ng modern cabinet na nasa gilid ng banyo. Paglakad ko ay nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na walang saplot.
Wah!.......
Sino yang sexy'ng yan?!
Syempre ako lang!
Ano kayang nangyari?!
Bakit ako narito?!
Ano ang ginagawa ko dito?!
Anong lugar ito?!
Paano ako napunta dito?!
Sunod-sunod ang katanungan sa isip ko pero hindi ko masagot.
Tinungo ko ang shower area at naligo. Pagkatapos ay sinuot ko ang damit na nakatupi. Sukat na sukat sa akin ang simple dress na kulay puti. May burda na mga rosas na puti in satin stitch sa gawing dibdib at sa laylayan ng dress. Nakita ko din ang simpleng hair dress na flower ang design. Itinali ko ang buhok ko, at inilagay ko ang hair dress sa kanang bahagi. Binuksan ko yung drawer at nakita ko ang iba't ibang klase ng pangmake-up. Naglagay ako ng konti sa mukha. Nang matapos na akong na mag-ayos lumakad na akong palabas. Bago ko buksan ang pintuan, nakita ko ang pares ng puting sandals sa gilid. May kataasan ang takong nito. Isinuot ko at saka ako tuluyang lumabas.
Nasaan ba ako?!
Kaninong bahay ito?!
Wala akong maalala sa lugar na ito.
Habang naglalakad ako ay panay ang tingin ko sa kakaibang disenyo at mga palamuti na meron sa buong bahay.
Mula sa mga bulaklak na naglalakihan na parang dito na itinanim, may mga nakahang din. May mga pababang baging na parang sa kisame na tumubo.
Kahit ang mga ilaw ay napapalibutan ng mga maliliit na bulaklak.
May mga nagliliparang mga paru-paro sa buong bahay.
