Episode 39

1K 27 8
                                        

This episode is rated not SPG. Just only PG

Parental Guidance is Advised.

Ipinapaalam lang po ni Lola Shinang na ang episode na ito ay puno ng kalokohan at kakwelahan na magpapasakit ng inyong tiyan. Siguro. Depende po yan sa inyo, wag kayong kakain ng panis hahaha.

Bawal po ang SPG, baka marestricted ang story na ito, sayang naman. Tsaka baka may mga batang nagbabasa na hindi naman mapipigil dahil hindi alam ng magulang, ang katandaan na lang po ang magtiis. hahahaha.

Proceed.......

Hindi ako makakilos. Parang nagyelo ang buong katawan ko. Nanlalamig ako. Ni hindi ko man lang magawang damputin yung towel para takpan ulit yung katawan ko! Wah! Naninigas ako!!!!.......

Pati si Norman napatulala na rin. Nakatulala siya habang nakatitig sa aking deadly gorgoes sexy body, from head mukhang toe.

May ghad! Anong gagawin ko? Hindi ko maikilos ang katawan ko kahit yung eyeballs ko hindi sumusunod sa utak ko. Hindi ko na makontrol ang buong katawan ko na para bang hindi na 'to sa akin.

Samantalang nakatayo lang si Norman at hindi rin gumagalaw, kinain na ng zombie ang utak niya!!!!

Or should I say, yung utak niya naging hugis katawan ko na.

Nakita kong gumalaw na siya at humakbang.

Ang kanyang unang hakbang na palapit sa akin ay nagdulot ng aking lalong pagkaparalisa. Alam kong bagong ligo ako, pero bakit ako naiinitan? Bakit ako pinagpapawisan? Mahangin naman dahil bukas ang pintuan ng terrace.

Ang kanyang unang hakbang na nasundan pa ng isa.....

Para siyang zombie......

Naiimagine ko ang paglakad niya ng tuwid, dahan-dahan.....

Walang ekspresyon ang mukha niya......

at tumutulo ang laway......

na para bang ngayon lang siya nakakita ng perpektong luto ng letson......sa buong buhay niya.

Oh my ghad!!!!

Pati ang pagtulo ng laway niya naimagine ko na.

Don't eat me zombie please.....

Akala mo lang perfect ang pagkakaluto sa akin dahil sa kulay ng balat ko. Pero ang totoo, hilaw ang loob ng letson na ito. Hindi masarap, walang pampalasa, napabayaan lang na nakasalang sa nagbabagang uling na hindi rin nabantayang mabuti para ikut-ikutin.

In short.......

wag kang lumapit sa akin.......

inutang na laman-loob na hindi ko nabayaran ng isang buwan.

Tinubuan at umabot na tatlong doble ng presyo nito dinaig pa ang 5-6 ng bumbay.

Wala akong magawa kundi magpakawala ng aura baka sakaling matakot siya at tumakbo palayo, naisip ko lang kasi duwag nga pala siya

pero

hin----di gu----ma----na.....

I forgot! Kapag open nga lang pala ang third eye tumatalab yun.

Isa nga pala siyang normal......

normal na zombie na inaatake ako ngayon na para bang naka-slow mo ang lahat.

Nanlalambot na ang buong katawan ko.

Gusto ng bumaluktot ang tuhod ko.

Pero ayaw naman kasi nanigas na. Para bang isang buwang nasa freezer.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon