This episode is also dedicated to : @paulana_relles
-salamat sa pagtitiyagang basahin ang istoryang ito ha, hehe, tiyaga ang hanggang magkanilaga tayo-
**************
Note: Oo nga, tama siya. Binasa ko yung last two episodes. Hehe.sorrry guys, edit ko na lang ha pag may time. Mukha ngang minadali yun. Bawi-bawi din pag may time. Dumadami ata ang epic fail ko ah! Salamat sa inyo kasi napapansin niyo. Sige hindi ko mamadaliin, babagalan ko na hahaha, konting tiis na lang, nangangalahati na tayo, chos! Hehe
Yun ang nagiging resulta pag naiistorbo ako sa pagsulat lalo na pag ginaganahan ako. Panay kasi sila nakautos kainis!. Haha
Proceed......
***********
Sigaw ng isang babae.
Hindi kaya naabutan na sila?!
Naku! Baka kung ano na ang gawin nila sa mga yun!
Kahit nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa takot ay tumayo ako at pinuntahan ang pinanggagalingan ng pagsigaw. Sa kakamadali ko ay nadulas ako ng matapakan ko ang nagkalat na mga dahon sa lupa. Medyo basa pa ito kaya lalong madulas. Natumba ako. At dahil pababa na ang kinalalagyan ko ay dumausdos ako at nagtuloy-tuloy. Tila minadali akong bumaba ng tadhana at dinala ako sa may ilog na malapit sa kanilang kinaroroonan.
Mabilis akong nagkubli sa may malalagong damo upang hindi nila ako makita. Maaabutan na nila ang mag-iina.
Pinipilit ni Donya Esmeralda na itulak ang anak na hindi na makatayo sa pagkakaupo sa ilog. Hinang-hina siya. Pero pinipilit niyang tumayo.
"Anak, bilisan mo. Pilitin mong tumayo"
"Ina, patawad ngunit hindi ko na po kaya. Iwanan niyo na po ako. Tumakas na po kayo. Itakas niyo na po ang anak ko. Pakiusap iligtas niyo po siya." pagsusumamo niya.
"Hindi kita pwedeng iwan dito" lumingon ang ginang sa dalawang kasamahan. "itakas niyo na ang apo ko! Madali kayo! Hindi ko pwedeng iwan ang anak ko....dalian niyo! Dumako na kayo sa kabilang bayan" utos niya sa mga iyon.
"Donya Esmerald, señorita....." umiiyak ang dalawa subalit wala silang magawa kundi ang sumunod. Nagmadali silang tumawid ng ilog at nagpatuloy sa pagtakas.
Hayun sila! Nasa ilog sila!
Mabibilis ang pagkilos ng mga tao na tila ba usang mabilis tumakbo ang kanilang hinahabol. Kahit nasa tubig sila ay mabibilis pa rin ang kanilang paglakad. Marahil ay ganun nga dahil sa lahat sila ay pawang mga kalalakihan.
Hindi na makatayo ang babae kahit pa inaalalayan siya ng kanyang ina. Naabutan sila ng mga tao. "Subukan niyong saktan ang anak ko! Mamatay kayong lahat!" umiiyak na sigaw ng ginang habang nakaamba ang gulok. Gayunpaman makikita sa kanya ang tapang at dedikasyon na mailigtas ang kanyang anak.
Ba't ba ako narito?! Anong lugar ba itong napuntahan ko!?
Kasama pa ba ito sa life story ko? Ano naman ang kinalaman nila sa akin? 1987 ako pinanganak pero bakit ako napunta sa panahon ni kopong-kopong!
Ayoko ng makita ang mga susunod na eksena. Ang sabi niya wag daw akong gagawa ng kahit ano dahil magkakaroon ito ng malaking kinalaman sa hinaharap. Kahit gustuhin ko, hindi ko sila pwedeng tulungan. Tsaka nangyari na naman ito eh. Tapos na ito. Makaalis na nga lang dito.
Nilingon ko ang pintuan na pinanggalingan ko. Kahit pala anong takbo ko o iwan yun ay nananatili lang yung pintong yun sa malapit sa akin. At wala pa namang pagbabago buhat kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/17115376-288-k501151.jpg)