Episode 47

848 24 2
                                    

This episode is also dedicated to: @MaridelCenteno

Proceed.......

Natigilan ako nung marinig ko yun kay Jullienne.

Underground?!

Impyerno?!

Kapag naiisip ko ang salitang yun, siguro lahat ng tao pare-pareho ng iniisip kung anong meron sa lugar na yun. Madilim. Mainit dahil sa apoy na naglalagablab sa paligid. Umuusok na asupre na siyang pumapatay at nagpapahirap sa mga naroon. Nakakatakot. Nakakapngilabot. Tahanan ng mga diablo. Demonyo ang tawag ng iba. Mga nilalang na isinumpa ng langit. Mga naggagandahan at naggagwapuhang mga nilalang na kalauna'y nagkasungay na dahil sa kasamaan nila.

Marahil naroon din ang mga ispiritu ng mga taong kinuha ni Kamatayan at pinapahirapan sa sinasabing naglalawang apoy at asupre.

Marahil pag pumunta ako dun ay maririnig ko ang mga panaghoy nila at paghingi ng tulong at awa. At ang iba'y nagsusumamo na iligtas sa lugar na iyon. May mga humihingi na ng tawad. Mga ispiritung pinapahirapan araw at gabi. Na ang masaklap ay wala nang kamatayan.

Iniisip ko pa lang, kinikilabutan at natatakot na ako. Ano na lang ang nararamdaman ni Norman at ni Emilee....si Emilee, bata pa siya. Hindi niya kakayanin. Baka pag nagtagal pa ay bumigay na siya.

"Kailangan ko ng pumunta dun. Kailangan ko silang iligtas." nangangatog ang katawan ko pati ang boses ko ay garalgal na din. Gayunpaman, kailangan kong maging matapang. "paano ba ang pumunta dun, Jullienne sabihin mo sa akin."

"Sigurado ka ba? Wala ba tayong pwedeng mahingan ng tulong na ibang tao?" sabi ni Nanay Lourdes.

"Nay, walang ibang pwedeng pumunta dun kundi ako lang, ako lang. Ayokong may iba pang mapahamak. Kaya please Jullienne sabihin mo na!"

"Ang totoo, hindi ko alam. Kahit ako, hindi ko alam ang lugar na yun. Pero ang masasabi ko lang, ang mga pupunta dun ay tiyak na magkakaroon ng sumpa. Hindi ko alam kung anong klaseng sumpa. Tsaka, pag pumunta ka dun na may katawan ka, unti-unti kang mamamatay dahil walang hangin dun....sabi nung iba. At pag pumunta ka naman daw bilang ispiritu, hindi ka na makakaalis lalo na pag nahuli ka ng mga diablong naninirahan dun gagawin ka nilang alipin......walang kasiguruhan ang pagpunta dun."

Walang hangin dun???!

Si Emilee......tinangay ni Jullienne kasama ang katawan niya. Ibig sabihin.....

baka....

Nahihirapan na siyang huminga.

Si Norman, ispiritu naman ang kinuha sa kanya....

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.

"Wala na akong pakialam! Kailangan kong pumunta dun! Sabihin mo kung paano...at ako na ang bahalang gumawa ng paraan."

"Pasensya na, hindi ko alam talaga. Wala akong kakilalang may alam. Iniiwasan ko kaya ang mga katulad ko kasi ayoko ng problema....tulad ngayon....sakit sa ulo." sabi niya.

Sandali kaming nanahimik para mag-isip. Kanya-kanya kami ng pwesto. Hiwa-hiwalay. Nakaupo ako sa sofa. Si Jullienne naman nakatayo sa harap ng glass window at nakatanaw sa labas. Habang si Nanay Lourdes naman ay binalikan si Norman sa kwarto. Naririnig ko ang mahina niyang paghikbi habang hinahaplos ang anak.

"May paraan pa," putol ni Jullienne sa katahimikan na tumagal din ng halos kalahating oras.

"Ano!!? May naisip ka na?"

"Kung iimbitahan ka ni Ayessha na magpunta doon, makakapunta ka na." aniya.

"Paanong imbita?"

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon