This episode is also dedicated to: @Madey22
*************
"Ayos lang.....sige take your time kahit gaano katagal Arah. Kung kaya mong makita na unti-unti silang namamatay sa iyong harapan. Pagtagalin mo pa," hindi man lang nababahala si Ayessha sa mga pinaggagawa niya. Bakit siya umabot na ganito kasama? Wala na ba talagang halaga sa kaniya ang dalawang taong mahal niya? Bakit kailangan niya silang pahirapan ng ganito? "tingnan mo si Emilee......natutuwa ka ba sa kalagayan niya?" tanong niya.
Bigla akong napatingin kay Emilee nung marinig ko ang pagsinghap niya na sa wari ko'y wala ng hanging pumapasok sa puso niya.
"Arah! Kunin mo ang anak ko at umalis na kayo! Pakiusap iligtas mo siya. Bata pa siya. Kailangan niyang mabuhay. Bigyan mo pa siya ng pagkakataong mabuhay. Ayos lang ako.......ayos lang ako, pangako. UMALIS NA KAYO! PILIIN MO SIYA!" Norman......
Pangako babalikan kita.....
Please magpakatatag ka. Pilitin mong magkatatag hanggang sa pagbabalik ko.....HINTAYIN MO AKO HA....PAKIUSAP....WAG KANG BIBIGAY! BABALIKAN KITA! MAHAL NA MAHAL KITA. MAHAL KITA......
"MAHAL DIN KITA.......UMALIS NA KAYO." alam kong pinipilit lang ni Norman na sabihin yun para kay Emilee alam kong natatakot din siya. "Arah.....wag ka ng bumalik dito.....hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag bumalik ka pa at mapahamak nang dahil sa akin. Wag ka ng bumalik ha.......hindi ako magdaramdam.....hindi kita sisisihin......gusto ko lang maging ligtas kayo. Wag ka ng bumalik.....tandaan mo, ikaw lang ang minahal ko ng ganito.....ikaw lang Arah.....ikaw lang.....alagaan mo si Emilee at ihingi mo kami ng tawad ha." umiyak na siya ng tuluyan.
"L*cheng usapan yan! Pinaiinit niyo ang ulo ko! Talagang inuubos niyo ang pasensya ko! Gusto niyo talaga akong subukan ha? Akala niyo ba, maawa ako sa isa sa inyo?! SIGE, TINGNAN NATIN KUNG MAGAWA NIYO PANG MAGDRAMA SA HARAPAN KO! MGA LAPASTANGAN!!!!" iniunat ni Ayessha ang isang kamay niya paturo kay Emilee at bigla na lang bahagyang bumaba ang katawan niya.
WAG!.................
PIPILI NA AKO.....
WAG MONG ITULOY PAKIUSAP!..........
WAG SI EMILEE......
IBIGAY MO SIYA SA AKIN.....
WAG MO SIYANG PATAYIN!
Bigla niyang inihinto ang balak niyang paglaglag kay Emilee sa matulis na kristal.
"Huh!" bahagya niyang pinakalma ang galit niya at tumingin sa akin.
Ibigay mo siya sa akin....
"Okey......" pinalutang niyang muli ang katawan ni Emilee at inilapit sa akin.
"Arah! Umalis na kayo......bilisan mo!" sigaw ni Norman.
Babalikan kita....... pangako!
"Pffft! Alam kong hindi ikaw ang babalik......kapag nagkausap kayo, sabihin mo sa kanya na ipaghahanda ko siya ng isang welcome party na hindi niya malilimutan....." itinulak niya kami ni Emilee patungo sa maliwanag na lagusan sa pamamagitan ng kapangyarihan niya.
Sandali lang!.......
Teka........
Hindeeee!...........
Norman!...........
Sa isang iglap ay nakabalik na kami sa bahay ni Jullienne. Halos tumilapon ako sa malakas na kapangyarihan ni Ayessha na tumulak sa amin pabalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/17115376-288-k501151.jpg)