Episode 35

1.1K 34 10
                                        

"Anong balak mong gawin sa hawak mo?" mahinahong tanong ni Ayessha. Nakadalawang hakbang pa lang ako pero dinig na dinig ko ang sinabi niya kahit malayo ang agwat namin sa isat-isa. Parang napakalapit niya. Kahit yung boses niya, kinatatakutan ko na.

Hindi ko siya pinansin. Kunwari wala akong nadinig. Nagpatuloy ako sa paglakad na palapit sa kanya. Titig na titig ako sa kanya ayokong maunahan niya ako sa pag-atake. Hindi ko na rin magawang tingnan ang dinaraanan ko dahil sa kakatingin ko sa kanya. Pero parang hindi naman siya susugod. Base sa nararamdaman ko, mukha ngang wala na siyang lakas. Nararamdaman ko na rin, dahil sa hirap na akong lumakad daig ko pa ang nag-alay lakad ng isang buong linggo ng walang pahinga. Pati ang paghinga ko parang nabibilang ko na rin.

Pero parang habang lumalapit ako sa kanya, lalo akong nanghihina. Hindi ko alam kung aabot pa ako hanggang sa paanan niya. Kung bakit kasi, sa dami ng lugar na tinayuan niya ay dun pa niya napili sa may kataasang lugar.

Iniisip ko rin kung ano ang gagawin ko habang palapit sa kanya. Ang totoo, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Parang napaka-estranghero ko sa sarili kong pagkatao. Kainis!

Hindi ko alam kung gaano katagal ang inabot ko bago ko siya malapitan. Hingal na hingal akong napahinto sa may paanan niya. Iniisip ko din kung aakyat pa ba ako sa mismong kinatatayuan niya. "Ang tagal naman niyang dumating." usal niya. May hinihintay pa siyang iba maliban sa akin? Pero sino? Si Jullienne kaya?

Nakatitig ako sa mukha ko. Alam kong siya ang nasa loob ng katawan ko pero, yung itsura ko kasi parang kinawawa na. Gusto kong umiyak dahil sa itsura ko. Mukha akong gusgusing pusa na matagal nang itinapon ng amo niya. Nabuhay sa kalye habang nakikipag-agawan ng pagkain sa basurahan kasama ng ibang hayop. Pero dahil sa tindi ng gutom ko kailangan kong lumaban para makakain kaya puro ako sugat.

Pumikit siya kaya nawala yung liwanag ng aking mga mata. "I hate you!" yun lang ang nasambit ko.

Napangisi siya. "anong klaseng nilalang ka?! Paano ka niya nagawa?! Hanggang saan ba ang sukatan ng kapangyarihan niya at nalikha ka niya? Nakakairita siya! " ano bang pinagsasabi niya? Ako ba ang siyang kinakausap niya?

"Ang dami ko ng ginawa pero hindi pa rin siya dumarating....marahil, kulang pa ang ginawa ko. Kung ganun, dapat dagdagan ko pa! Ina-under estimate niya ako. BWiSIT SIYA! " dumilat siya ulit at tumingin sa akin. "PAHIHIRAPAN PA KITA HANGGANG SA DUMATING SIYA! GUSTONG-GUSTO KO SIYANG MAKITA!!! GUSTO KO SIYANG MAKAHARAP!......LUMABAS!.........KANINA PA KITA HINIHINTAY!........." bakit ba siya umaatungal ng ganun?! Anong problema niya?! Sino bang inaantay niya?!!!"

Yung mga tingin niya sa akin naging matalim. Pailalim at naninilisik. Parang isang leong ilang linggo ng pagod sa kakahanap ng makakain niya. Parang lalapain na niya ako at sa oras na makagat ako'y hindi siya magtitira kahit isang maliit a buto. Ano bang ginawa ko sa kanya?!

"Babawiin ko lang naman ang sa akin! Ba't ganyan kang makatingin?" nagkunwari akong matapang. Kunwari hindi ako nasisindak ng mga tingin niya. Kahit alam kong hindi ko siya matatakot.....dapat matapang din ako.

"Walang sa'yo Arah!....kaya ano ang babawiin mo?! Hindi ikaw ang kailangan ko. Ginamit lang kita para palabasin siya pero hanggang ngayong nagmamatigas pa rin siya.....baka gusto na niya talagang tuluyang mabura sa mundo."

"Ano ba ang sinbasabi mo?! Wag mo akong gawing pain sa kung sino man ang himihintay mo.! Walang sa akin?! Lahat yan sa akin! YANG MGA MATANG YAN! YANG KATAWANG YAN! LAHAT AY SA AKIN! IKAW ANG WALA NG DAHILAN PARA MANATILI DITO! BUMALIK KA NA SA LIBINGAN MO AT KUKUNIN KO NA ANG SA AKIN NA INAGAW MO!!!" pinag-init niya ako at pinanggigil sa mga sinabi niya.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon