this episode is dedicated to: -------------Nozomi----------
*****************
Norman!!!!..........
Napasigaw ako sa isip ko ng makita ko nang biglang naging kalawit ang hawak Kong sandata. Kung gaano kabilis ang mga pangyayari ay ganun din naman kabilis ang naging pagkilos ni Norman. Mabilis siyang nakaiwas. Nakaalis na siya bago pa tuluyang sumapit sa kanyang leeg ang talim ng kalawit.
"Nakakagalaw na siya. Kainis ! Hindi ko naagapan yun. Maswerte pa rin kayong dalawa." narinig Kong sabi ni Ayessha.
Salamat naman at Nakaalis siya.
Agad akong napalingon Kay Ayessha. Kung Nakakapatay ang mga tingin ko ngayon sa kanya ay napatay ko na sana siya.
Matinding galit ang aking nararamdaman ngayon. Nawala na yata ang matino kong pag-iisip. Ang tanging nasa utak ko na lang ngayon ay itapat sa leeg niya ang hawak kong sandata at karitin iyon.
Pahakbang na ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
Norman.........
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng bigla siyang yumakap sa akin. Parang biglang nagkaroon ng bagong sigla ang puso ko. Tila nawala ang lahat ng pagod at hirap ko. Sa isang yakap niya lang na iyon para akong nagpanibagong lakas. Na parang handa akong lumaban ulit na may taglay na bagong pag-asa. Pero bakit?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?!
Bakit ko ito nararamdaman?!
Ano ito?!
Bitawan mo ako.
Sabi ko sa kanya pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Mahal kita.
At ayokong mawala ka sa akin.
Please, umalis na tayo dito.
Iwanan na natin siya.
Pakiusap. Mahal kita at ayokong mapahamak ka.
Nararamdaman ko ang nararamdaman ng puso niya. Parang bawat tibok niyon ay tumutugon din sa aking puso. Parang may kung anong nag-uugnay sa aming mga puso at nagkakaisa sila. Nararamdaman kong iisa ang nararamdaman namin. Pero malinaw pa rin sa isip ko na ang puso at isip ko ay hindi pa rin nagtutugma.
"Ang galing naman......" tila isang papauri na sabi ni Ayessha. Ipinalakpak pa niya ang kanyang kamay.
Pero yung aura niya, sobrang dilim na. Naglalabas na siya ng mga negatibong kapangyarihan at pinalalakas pa ng negatibo niyang nararamdaman.
"Sa tingin niyo ba, hahayaan ko kayong makaalis dito. Sa kabila nang halos nasa mga kamay ko na aking tagumpay?...." saglit siyang tumawa ng malakas at muling itinuloy ang sasabihin. "pare-pareho na tayong tatlo na dito mamamalagi......dito na tayo magsasama-sama hanggang sa dumating ang wakas na sinasabi nila! Hindi ko hahayaang maging masaya kayo! Walang magiging masaya!!''
Magsasalita pa sana si Norman matapos niyang bumitaw sa pagkakaakap sa akin nang biglang gumuhit ang napakatalim na kidlat. Napakalakas sampung ulit na malakas kaysa sa ordinaryong kidlat. Napakaliwanag. At nakakapangilabot. Sandali akong napapikit. At pagdilat ko'y nakita kong nahati ang dimensyon ng kawalan na ginawa ni Ayessha. Para itong mundong nabiyak ng dahil sa pagtama ng kidlat.
Pare-pareho kaming nahulog pababa. Nahulog kami sa kinaroroonan ng mga incubus at succubus na naglalaban-laban. Bumagsak ako sa gilid ng umbok na lupa at nasundan pa ng pagtama ng kidlat. Nahati ang umbok ng lupa at muntik na akong mahulog. Mabilis akong nakakapit sa gilid. Hinanap ko ng tingin kung nasaan na naman napunta ang lalaking yun. At nakita kong ligtas naman siyang nakatayo sa kabilang umbok ng lupa, yun nga lang may mga sumusugod na incubus palapit sa kanya.
