this episode is also dedicated to: @angelmartinez0431
-super thankyou sa pag-add pa lang ng story na ito sa iyong RL, super thankful na ako. At dahil sumunod ka sa second half nito....sobrang saya ko....walang halong kaechosan yan....mababaw lang naman ang kaligayahan ko...thankyou talaga-
****//*****
proceed......
"umalis na tayo." sabi ni Tanda na umiiyak din pala sa isang tabi.
"Ano pong nangyari dun sa itim na babaylan?" tanong ko.
"Tumakas siya. Kailangan nating maghanda anumang oras ay muli siyang sasalakay."
"Umalis na po tayo."
Nagsimula na kaming lumakad. Wala kaming ibang dadaanan kundi ang nayon na dinaanan namin kanina. Ang tahimik namin. Para bang may kasama kaming angel of silence. Basta, puno lang ng lungkot at katahimikan ang paligid. Walang umiimik. Walang ibang gustong magsalita. Naglalakad lang kami hanggang sa sapitin namin ang nayon.
At napahinto kami ng makita naming ang mga taga roon ay nag-aabang sa amin. At sa pagkakataong ito, totoong tao sila.
Hayun sila!
Patayin ang mga salot!
Patayin!
Patayin at walang ititira!!
Hala! Kami pa?! Kami pa ngayon ang salot?!
Galit na galit ang mga tao sa amin. Bakit kaya?!
Mga kampon sila ng dilim!
PATAYIN SILA!!!.......
Hala! Sabay-sabay silang sumusugod!
Anong gagawin namin?!
Hindi naman namin magagamit sa kanila ang kapangyarihan namin, mga normal na tao sila.
Paano kami lalaban?!
Kapag ipinakita namin ang aming kapangyarihan mas lalo kaming pag-iinitan at sasabihing mga salot.
"Sumugod tayo. Habang tumatakbo." sabi ni Neneng.
"Sasaktan natin sila?" tanong ko.
"Sasaktan, natural! Mamili ka, masaktan ka o manakit ka?" sabi naman ni Tanda. " kung hindi ka mananakit, mamamatay ka, tingnan mo ang mga mukha nila, buo ang pasya nilang patayin tayo. At sumusugod na sila."
Nakita kong maglabas si Tanda ng tabak. Totoong tabak. Balak niya talagang saktan ang mga taong yun!? Amazona nga pala siya! Wala lang sa kanya ang pumatay.
Pero hindi ko kaya.
At si Neneng, inihanda niya ang sandata niya. Huh?! Balak niya bang gamitin yung kalawit na yun?!
"Hindi naman magagamit sa kanila yan" sabi ko.
"Pagmasdan niyo po ang aura nila." napatingin ako sa sinabi niya. Balot ng itim na aura ang mga tao. "ibig pong sabihin, totoong tao sila subalit, napasailalim sila sa kapangyarihan nung babaylan. Ginagamit.niya ang.mga tao."
"pero totoong tao sila!" pigil ko sa kanya.
"kapag hindi natin sila pinatay, magkakalat sila ng lagim. Ilang sandali pa'y magiging tulad din sila nung iba. Mamamatay ang ispiritu nila at magiging taong apoy na lang!" hindi ko na siya napigilan. Sumugod siya. Dala ang sandata niyang naging double blade sword. Ang dami pa lang gamit nun!
