This Episode is also deildicated to: @bheycoh
-hi, friend.....tnx for always reading every episode. And thanks for voting and commenting, too. I'm hoping to see your comment until epilouge of this story. Thank you.
Proceed......
"Wag ka nga iyak ng iyak. Hindi maso-solve yan kung iiyak ka lang!." pasigaw na sabi ni Jullienne. Alam ko kahit ganyan yan, ganyan na talaga yan. Pero kahit paano marunong yan mag-alala. "Anong balak mong gawin?" tanong pa niya.
"Wala akong maisip! Hindi ako makapag-isip!' humihikbi kong sagot.
"Sus! Isa yang katibayan ng wala ka talaga nun. Puntahan mo si Norman sa apartment niya." utos niya.
"Pagdating ni Nanay Lourdes. Parating na yun." sagot ko.
Ang haba ng oras kahit ilang oras pa lang ang nagdaan bago dumating si Nanay Lourdes sa office ni Jullienne. Pagkapasok niya agad ko siyang pinaupo sa sofa. "Nay, ikwento nyo nga ho ulit ang nangyari? Paanong mawawala si Emilee?"
Nakita kong tumulo ang mga luha niya bago pa siya magkwento kaya nung nagsasalita na siya, napuputol ang mga salita niya ng kanyang pag-iyak. "Nagpaalam siya sa akin na bibili lang sa labas. Tumatakbo siya. Dala niya yung bear. Hinabol ko siya para lagyan ng bimpo yung likod niya, kasi pawisin yun eh. Tapos natapat siya sa isang puno habang tumatakbo. Hinintay kong lumagpas siya pero wala akong Emilee na nakitang lumagpas sa puno. Nagulat ako kasi, mabilis ang takbo niya eh. Kaya dapat lumagpas siya di ba, kahit yung damit man lang niya sana, nakita ko. Pero wala. Bigla siyang nawala. Natakot ako bigla. Kinabahan ako. Naglakas-loob akong puntahan yung puno at nakita ko na lang yung favorite niyang bear na nabitawan niya siguro bago pa siya tuluyang mawala." panay ang pahid niya sa luhang kanina pa pumapatak sa pisngi niya habang nagkukwento. "Arah."
"Po?"
"Alam mo ba, si Emilee......m-may third eye yun. Nakakakita siya ng mga multo, ispiritu at mga maligno at kung anu-ano pa. Noong baby siya mga 2 to 3 years old lagi siyang umiiyak at panay ang turo niya sa hindi nakikita. Tapos niyong 5 to 6 bigla siyang nagbago. Naging malihim siya. Kahit sa akin di na siya nagkukwento. Mas madalas din siyang tulog. Nag-i-sleepwalk at minsan nakikita ko siya sa labas ng bahay pag gabi at nagsasalita na parang may kausap. Pag lumalapit ako. Natutulog pala siya.....natatakot ako, Arah....paano kung kinuha siya ng maligno? Multo kaya? O kung anu pa mang matutuwa sa kanya. Di ba....may third eye ka din? Sabi mo? Iligtas mo siya, pakiusap...." nakita ko ang pag-aalala niya para kay Emilee. Natatakot siyang mawala ang apo niya.
"Wag po kayong mag-alala, makikita po natin siya. Wag po muna tayong mag-isip kung anu-ano. Sa ngayon, samahan niyo po akong puntahan si Norman sa apartment niya."
"Galing ako dun Arah, bago ako dumiretso dito dun muna ako magpunta. Kinatok ko siya pero walang sumasagot. Galing din ako sa opisina niya pero hindi daw siya pumasok ng kalahating araw. Saan ba nagpunta yun Arah? Alam mo ba?"
Lalo akong nanghina ng marinig ko yun. Para akong pinagsakloban ng langit at lupa. Nasaan sila? Sinapo ko ang mukha ko ng isang palad ko at itinukod ko ang siko ko sa corner ng sofa. Parang nahihilo ako. Saan ko sila hahanapin?
"Punatahan natin sa apartment niya. May susi ka di ba Arah? Baka nandun lang yun at natutulog." sabi ni Jullienne. Kanina pa rin kasi siya nakikinig sa amin.
"Baka andun siya? Natutulog lang?!" pag-uulit ko na parang naiinis ako. Bakit siya andun at natutulog lang? Hindi man lang ba niya narinig ang katok at sigaw ng nanay niya! Kahit sobrang puyat hindi naman ganun na parang mantika kung matulog. Alam kong hindi siya nakatulog ng maayos, pero hindi naman yun iresponsableng tao.