Episode 38

994 29 9
                                        

Dedicated to @Lovercafe

Hindi ko na mapigil ang kalam ng tiyan ko. Gaano ba ako katagal na hindi kumain? Parang bumubuga na ng apoy ang dragon sa loob ng tiyan ko dahil sa pag-aalburuto nito.

"Welcome back, miss Arah." bati ng isang receptionist pagkabungad namin sa lobby. Huh?? Kilala ako?!

Napatigil ako sa paglakad dahil sa pagtataka. Gusto ko sanang itanong kung saan pwedeng kumain, nang biglang hinawakan ako ni Norman sa braso ko.

"Ah, bakit?"

"Dito tayo." hinila niya ako at naglakad kami sa hallway.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami.

"Sa nirentahan mong kwarto" simpleng tugon niya.

Hindi ako makapaniwala! Sa kakuriputan kong ito? Nagawa kong mag-aya sa isang beach resort?! Tapos nagrent pa ako ngvkung anong klaseng kwarto yun! Naku Ayessha! Saan ka kumuha ng pera?! Baka inubos mo ang laman ng bank account ko! Pupulutin na ako nito sa kangkungan! Inilalaan ko yun sa future ko, tas inubos mo lang sa ganitong lugar?! Baka mamalimos na ako nito sa lansangan pag-uwi ng Manila.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto matapos kaming pumasok ng isang hotel at sumakay sa elevator. My Ghad! Napapalunok ako habang kinukwenta ko sa isip ko ang bawat presyo ng bawat lugar na pinupuntahan namin. Parang nahihilo ako ah! Malamang, magdildil na ako ng asin nito! Pwede namang magtayo kami ng tent sa tabi ng dagat. Presko pa ang hangin. Libre pa. Ba't dito pa!?

Sinusian na ni Norman ang pinto at binuksan pagkatapos.

"Saan ka kumuha ng susi? Paano mo nalaman ito?" nagtataka kong tanong.

"Pagdating ko kasi wala ka. Kaya nagtanong ako sa ibaba. Tapos nakalista yung pangalan ko dun sa record nila, binigyan ako ng susi at sinabi sa akin yung room no. Tapos sabi lumabas ka daw. Kaya pagkalapag ko ng gamit ko,lumabas ako agad para hanapin ka." Habang nagkukwento siya sa akin nilibot ko naman ang buong silid. Ayos lang naman ang laki nito. May sala. May banyo. At may isang kwarto. Isang kwarto?!

"Bakit isa lang ang kwarto?" nandidilat ang mga mata ko nang tanungin siya.

"Aba, malay ko sa'yo! Nagulat nga rin ako eh. Baka namiss mo lang ako at ayaw mong umamin. Sabi mo nakalimot ka sa monthsery natin tapos, isang kwarto???" napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nang-aasar naman ang mokong na ito! Paslide pa siyang nakasandal sa pader.

"Asa ka! Diyan ka sa sofa matutulog!"

"Di ka ba naaawa sa akin?" naka-pout niyang sabi.

"Hindi! Hindi ka naman mukhang pulubi para kaawaan. Saan ba yung banyo? Gusto kong maligo bago kumain."

"Dun!" inginuso niya sa akin yung isang pinto. "di nilibot mo yung buong kwarto, ba't di mo alam?"

"Di ko masyadong tiningnan yun. Dimiretso ako sa terace. Ang alam ko lang may banyo syempre." pumasok na ako sa kwarto para kumuha ng damit.

Iniwan kong nakaawang yung pinto kasi nasa gilid siya at dumadaldal para marinig ko mga pinagsasabi niya.

"Sige mauna ka na tapos maliligo din ako." naglakad siya pa palayo matapos niyang sabihin yun. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nahiga pala siya sa sofa. Kinuha niya yung remote ng tv at binuksan yun.

Wah! Naiihi ako! Kainis! Mamaya na nga lang ako maghahanap ng isusuot ko. Tumakbo na ako sa banyo na dala yung dalawang tuwalya.

Hindi rin ako nagtagal sa paliligo ko. Ang lamig kasi ng tubig. Ipininid ko yung pinto ng banyo at sumilip muna. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya. Ayoko kasing makita niya akong nakatapis lang ng tuwalya sa katawan.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon