Episode 64

718 35 11
                                    

this episode is dedicated to: @ShereeAlimboyogen

-tenkyou tenkyou po sa pagbasa-

***********

Napapad ako sa isang dalampasigan. Nakasubsob ako sa buhangin at nababasa ng tubig dagat ang aking katawan. Tumayo ako at naglakad upang hanapin kung saan napunta yung katawan ni Neneng.

Nakailang minuto na rin ako sa paglalakad pero hindi ko pa rin nakikita ang katawan niya.

Hindi kaya nagkahiwalay kami?

Umikot ako upang makita ko ang kabuuan ng lugar. Sa tingin ko, para itong beach na hindi pa nadi-discover.

Parang pamilyar sa akin ang lugar na ito.....para kasing tulad nung sa probinsya namin.

Palinga-linga ako sa paligid hanggang sa makita ko na ang katawan niyang nakadapa sa buhangin sa gilid ng dagat at hinahampas ng alon.

Lalapitan ko na sana nang biglang may dumating na dalawang tao. Mabilis akong nagkubli sa isang lugar na medyo mataas at hindi nila ako mapapansin. Nakamasid lang ako sa kanilang ginagawa. Hindi ko namumukha ang dalawang yun dahil nakatalikod sila. Pero para silang mag-asawang bagong kasal. Masyado silang sweet batay na nadidinig ko sa usapan nila.

Nakita kong kinuha nila ang katawan ni Neneng at pilit na isinu-survive ito. Paulit-ulit ang pagbibigay ng mouth to mouth resisitation sa kanya nung lalaki habang alalang alala naman yung babae.

Maya-maya'y nakita kong may dumarating na namang apoy ng buhay mula sa langit at pumasok sa katawan niya upang i-charge yun.

At ilang sandali pa'y tila ba nagkakamalay na yung katawan ni Neneng.

Paano nangyari yun?!

Wala naman siyang ispiritu yun ah!

Dumilat siya.

Kahit malayo ako'y alam kong dumilat siya dahil naglabas ng matinding liwanag ang kanyang mga mata.

"Nagkamalay na siya!" tuwang-tuwang banggit ng babae at inakap pa niya ang katawan ni Neneng.

"Ineng, nasaan ang mga kasama mo? Ang mga magulang mo? Anong pangalan mo?" sunod-sunod na tanong ng lalaki.

Bahagya akong lumapit upang mas makita ko ng malapitan ang lahat. Kung paanong, nagising siya sa ganoong kalagayan.

Subalit hindi ako nabigla ng makita ko siya. Mas ikinabigla ko ang sumorpresa sa akin.

Yung dalawang taong tumulong sa kanya.

Nanay------

Tatay------

Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ng puso ko. Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi matapos kong malamang hindi pala ang kinagisnan kong ina ang siyang nagluwal sa akin.

Inakala kong si Neneng ay bahagi lang ng aking nakaraan. Muntik ko ng paniwalaan ang reincarnation. Akala ko nabuhay ako ng paulit-ulit hanggang sa sumapit ang kasalukuyan.

Pero paano ito nangyari?!

"Hindi siya nakakapagsalita. Tara, iuwi muna natin siya." narinig kong sabi tatay.

Nagmadali silang umuwi at inalagaan si Neneng. Nagbantay ako at nanood lang.

Lumipas ang ilang araw. Hindi pa rin nagsasalita si Neneng. Labis na ang pag-aalala nila nanay sa kanya.

Tsaka nalaman ko ding.....

Pinangalanan nila siyang Arah.

Mula sa di kalayuan ng bahay namin ay nakamasid lang ako at panay ang iyak ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon