This episode is dedicated to: @keijlie baby
**********/***********-*****
note:
pasensya na natagalan ang UD. Kasi iminudmood ko kasi ang sarili ko....este, iminood? ah! Basta! Hinanap ko ang aking mood! Nuh be yen! Kailangan kc nakamood.....itong mga susunod na episode kc ito ay isa sa mga paborito kong episodes kaya----kailangan----nasa mood talaga ako.
I'm so excited!!!
Handa na ba kayo?!
But before you proceed may.gusto pala akong sabihin sa mga Aranian diyan sa tabi-tabi hehe---meron ba?
Ipinapauna ko po sa mga nakikisimpatya kay Arah, yung tipong nagsisink-in sa kanila yung karakter ni Arah, yung mga nasasaktan din kapag nasasaktan si Arah, mga apo, ipinapauna ko na ang paghingi ng sorry ha....kasi mula sa episode na ito ang mga sakit na nararamdaman ni Arah dati na nararamdaman niyo rin ay domoble na.
As in.
Sana mapatawad niyo ako sa GAGAWIN ko sa kanya.
But please, magteleport na lang kayo, puntahan niyo ako at bugbugin...wag niyo lang akong isusumpa, ipapakulam o ipapabarang ha? hahaha
PEACE TAYO HA?!
Then, proceed......
*********
Sumisikip na ang dibdib ko. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kakaisip. Pero hindi ko magawang magpasya. Hindi ko kayang itapon ang isang bagay na lubhang mahalaga. Hindi ko kayang mamili sa dalawa dahil parehong mahalaga.
At kahit masakit para sa akin ang magpasya na ang isa'y kalimutan at talikuran para sa susunod pang mga alaala kung magkakaroon pa man. Kailangan kong gawin.
Pinili kong hindi na buksan ang pintuang inilock ni Ayessha, tinalikuran ko na yun at pinasok ko ang pintuan ng aking panahon. Ang mahalaga sa akin ay mailigtas ko si Norman. At kapag dumating ang araw na tuluyan na akong mawala sa mundo sana--------
sana ang tadhana ang siyang gumawa ng paraan para tuluyan na niya akong malimutan at sana hindi yun magtagal para hindi siya masaktan ng husto tulad ng nararamdaman ko ngayon.
Lumuluha akong iniluwa ng pintuan sa kasalukuyang panahon. Nakayuko ako at ni hindi ko kayang iangat ang mukha ko.
Naramdaman ko rin ang tuluyang pagsara nun. At alam kong hindi ko na yun mababalikan pa.
Ang sakit sakit.
Walang katumbas na sakit.
Ang malaman mong nabuhay ka sa mundo na hindi ka naman talaga parte nito. Para akong alien na kailangan lisanin ang mundo dahil kung hindi masisira ko ang balanse nito.
Na kailangan iwan ang lahat ng mga bagay na meron ako, mahalaga man o hindi.
Na kahit natututo akong umibig ay hindi ko kayang panghawakan.
Na lahat ng meron ako ay pawang hiram ko lang at kailangan ko ng ibalik.
Para akong isang laruan na pansamantalang nabigyan ng buhay at narito na ang oras ko para magpaalam.
Hindi ko kaya....
Napaluhod ako sa lupa. Sinalo ko ng dalawang palad ang aking mukha.
Gusto kong umiyak pero di ko magawa.
Gusto kong sumigaw pero parang may nakabara sa lalamunan ko.
Ang sakit sakit lang.
Kung sana may taning na lang buhay ko at kailangan kong magpaalam kaya ko pang tanggapin.
