Note:
Ang episode na ito ay inihahandog ko sa aking kaibigan, kachokarat, kachat, kadakdakan, kaututang-dila, na nagdiriwang ng kaarawan niya. Akalain mo meron ka pala nun? Haha, siya ang nag-iisa kong no.0 fan. hahaha. Ang nagturo sa akin na mangarap ulit. At umaasa. Sa kanyang bulalo. hahaha. Actually, wala ito sa istorya ng kwento. At dahil bday mo friend, inilagay ko ito kasi wala ako maisip na gift sayo. Kung meron man, di ko mabibigay kasi ang layo mo hehe, kaya ito na lang. Para sa'yo ito. Isipin mong ikaw si Arah ngayon. Pumikit ka, isipin mo ikaw si Arah. Nagsi-sink in na ba? hehe
Sige, dumilat ka na at magbasa.
Baka nga maging si Arah ka pa at kulitin mo ako dahil hinahanap mo si Norman hahaha.
Happy Birthday @ClarissaTorre thankyou for coming into my life. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko, mamenk-menk na siya promise.
Proceed......
Naglakad lang kami sa gubat. At pareho naming hindi alam kung nasaang parte na kami ng gubat. Wala naman kasing pagkakaiba, mapuno at madamo pa din. Walang mapagtanungan. Walang multo. Kahit mga diwata wala. Saang lupalop ba ng mundo nagkukubli ang mga elemento, ispiritu, lamang-lupa at kung anu-ano pang nakasulat sa mga comics at umiiral sa pantaserye. Kahit aswang, bampira, o kung sinu-sino pang mga laman ng imahinasyon at parang naging totoo na sa isipan ng marami. Nasaan na ba silang lahat? Kasi nagugutom ako. Baka pwede silang kainin.
Napahinto ako at tumingala sa langit. At nagbuntong hininga. "Magpahinga po muna tayo. Bukas na po tayo mag-isip." sabi ni Neneng.
Yun eh, kung kelan gusto kong mag-isip ngayon tsaka pa ako pinigilan. Talaga naman. Sige na nga, bukas ko na lang gagasgasin ang utak ko.
"ok. Kanya-kanyang hanap ng matutulugan ha." sagot ko habang tumitingin-tingin ako sa paligid upang maghanap ng pwesto na masarap tulugan.
Nagulat ako ng biglang may kumaluskos sa paligid. Biglang dumilim. Parang kumapal ang mga dahon sa mga puno. At parang tumangkad at dumami bigla ang mga puno na nakapaligid sa amin.
"Anong nangyayari?!" nagtataka kong tanong matapos kong makita si Neneng na kalmado lang.
"Ako lang po ang gumawa niyan. Huwag po kayong mag-alala. Gusto ko lang po, magpahinga ng maayos." aniya.
Kinilatis ko ang paligid para malaman kung ano bang nangyari o ano ba ang kanyang ginawa.
Ano bang nagbago?
Biglang ngang dumami at kumapal ang mga puno na nagsilbing harang sa buong paligid. Parang tumangkad din bigla ang mga puno, masyadong mataas. Sa sobrang taas parang konti na lang ng langit ang aking nakikita. Pero ang nakakatuwa ay nakasentro ang buwan.
Nakarinig ako ng tila sumisipol ng may himig. Napatingin ako kay Neneng, siya lang pala ang gumagawa nun, nagpapatugtog siya gamit ang isang dahon.
Maya-maya'y nakita kong dumarating ang mga alitaptap na tila na inimbitahan sila sa isang piging. Sobrang dami nila at sobrang ganda. Nakakamangha ang mga ilaw nilang dala.
Namangha ako ng niliwanagan nila ang kinaroroonan namin matapos silang dumapo sa mga puno sa paligid.
Nakita ko tuloy ng malinaw na para kaming nasa loob ng isang bilog ng mga puno. Parang maliit na gubat sa loob ng gubat.
May mga nakapalibot na puno na hiwalay sa iba. Paikot ang pagkakaayos nila. Halos tiglilimang dipa ang layo sa bawat isa. At napapalibutan ang bawat puno ng mga nagliliparang alitaptap na nagmistulang christmass tree. Ang gandang tingnan. Para akong batang tuwang-tuwa.