01

354 14 6
                                    


Kristel's POV

"Make sure na hindi ka matatanggalan ha?" Paalala ni Doc. Tukoy niya sa bracket ng braces.

"Yes doc." Sagot ko naman.

"Okay then, kakabitan na kita sa sabado para hindi hassle sa trabaho mo." Sabi ulit niya.

Sa saturday... i can't help but to smile..

"Sige po doc. Salamat po." Nakangiti kong pagpapaalam.

Tumango naman siya kaya tumayo na ako at lumabas sa clinic niya.

Pagkabukas ko ng pinto ay si Gnade agad ang bumungad sa akin. I was the last patient, gabi na kasi at ito lang ang free time ko. I looked at him, bahagya pa akong nagtaka nang makita siyang nakangiting nakatingin sa cellphone niya kaya naman dali dali niya itong ibinulsa at hinarap ako. "Babe.." Tawag sa akin ni Gnade. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa tagiliran. He smiled at me.

I feel like a teenager, one smile and he got me already!

"Anong sabi?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang sa kotse niya.

"Sa sabado daw baka makabitan na ako." Tukoy ko sa braces. Bahagya siyang natigilan sa paglalakad, at dahil nga akap akap ko siya ay natigilan din ako. I raised my head but he continued walking.

"Sa sabado?" Medyo may panghihinayang niyang tanong. "Yes babe, why?" Gnade is my boyfriend for almost 3 years. I still can't believe that we went this far, well it's because we love each other.

"Ah k-kasi... a-no meron akong
Medical mission sa sabado. Baka hindi kita masamahan.." nauutal niyang usal habang pinagbubuksan ako ng pinto sa front seat. Umikot siya at sumakay din sa driver's seat.

Medical mission? I thought sa Tuesday pa 'yon? And why is he stuttering?

"What? 'diba sa Tuesday pa 'yon?"

"S-sinabi ko ba?" Medyo natataranta na niyang tanong kaya naman natagalan siya sa pagsaksak ng susi. Nagtaas ako ng kilay at itinuon ang paningin sa harapan at humalukipkip. Nagiinit ang ulo ko at hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ko!

"Do I look like I'm kidding?" Sarkastiko kong ani. Nakangisi pero nakatuon pa rin sa daanan ang paningin.

"It isn't l-like.. I m-mean--"

"BABE!" Salubong ang kilay kong nilingon siya! Kamuntikan pa naming masagi 'yong bus!

Naiinis na ako ah! Ano bang nangyayari? Is he hiding something?

"A-ahh! Oo yes. Naalala ko na... n-naimove kasi.." sabi niya.

Naimove? Siguro nga.

I but my lower lip. Ano ka ba naman Kris! Wag mong pagiisipan ng ganyan si Gnade! Tiwala lang.. tiwala..
Magtatanong pa sana ako pero 'wag na lang. Mamaya isipin pa niyang pinagdududahan ko siya.. which is true naman.

"Bakit pala naimove?"

I'm just curious!

"Why so many questions Kristel?" Galit na siya. Sigurado ako. He isn't call me with our endearment.

Pero bakit ang bilis naman niya magalit?

"Sorry." Ako ba talaga ang dapat magsorry?

"It's okay babe.." malambing na aniya at hinawakan ang kamay ko tyaka marahang hinaplos ng hinlalaki ang likod ng palad ko. I glanced at him and he did the same, he smiled.

"Eyes on the road, baka maaksidente tayo." ngumuso ako. Pilit na itinatago ang impit na kilig na nararamdaman, but my pasaway boyfriend tightened his hold then smiled again.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon