58

5 0 0
                                    


Avila's POV

Saktong kalalabas ko ng kwarto ay nadatnan ko si Theon na nagtsa-tsaa kaharap si papa. Bumati ako sa kanila.

"Oh anak? Ang aga mo yata." puna ng aking ama. Ngumiti ako. "Medyo may kalayuan po kasi dito yung resto, pa. Mahirap na pag naabutan pa ng rush hour." napansin ko ang unti unting pagkunot ng noo ni Theon.

"Where are you going?"

"Work, of course." I answered but it didn't removed the crease from his forehead.

Nagpaalam muna si papa na babalik sa kwarto niya, marahil ay upang mabigyan kami ng oras ni Theon makapagusap. Ang aga naman kasi niya yata ngayon? Pansin ko din ang maitim na guhit sa ilalim ng kanyang mata, animong hindi nakatulog.

"Zalair... you don't have to work." nagsalubong ang kilay ko at tinignan siya. Anong hindi? Paano ako mabubuhay? Paano ang anak ko? Kahit pa sabihing nandyan siya para sumuporta, hindi naman yata tama na maski pambili ng damit ko ay hihingin ko sa kanya. Gusto ko rin naman magkaroon ng sariling pera.

"Look.. please don't get me wrong.." ibinaba na niya ang tasa ng inumin at ibinigay sa akin ang buong atensyon. Bumuntong hininga ako.

"I want my own money, Theon. You know I appreciate what you're doing, but I'm the kind of woman who feels empty and worthless without job."

"But.." I gave him a reassuring smile. Marahan kong inilapat ang palad sa kanyang pisngi na ikinagulat niya. "Don't worry about me.. I'm saving enough money to continue my studies." hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako ng may determinasyon na sa mga mata.

"I will bring my company back." matigas ang boses kong sabi. I promised papa, na ako mismo ang magbabalik ng kumpanyang nararapat sa akin. I will finish my studies and have my supposed company back in our family. Umigting ang panga ko. Bibigyan ko rin ng hustisya ang pagkamatay ni mama.

Nakaupo ako sa mahabang sofa na kinauupuan rin ng Theon. Patuloy pa din ako sa paghaplos ng kanyang pisngi, hindi ko na matandaan pa kung kailan kami naging ganito kalapit, sobrang lapit na naaamoy ko na ang mabango nitong hininga. Bahagya tuloy akong kinabahan, sana hindi niya naririnig kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko!

We stared at each other's eyes for so long. Hindi ko alam kung dapat ba akong mailang, pero wala akong maramdaman. Tanging pananabik gawa ng matagal niyang pagkawala ang aking nararamdaman. Isang dangkal lamang ang aming pagitan, bumaba ang tingin niya as aking mga labi at hindi ko namalayang ganon na rin pala ako.

"Can I.. kiss you?" ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Nginig na nagsasabing natatakot siyang hindi ako pumayag. Nginig na nagpapahiwatig kung gaano siyang nagpipigil na ako ay sunggaban. Nginig na sumisimbolo kung gaano siya kasabik.

Kaagad na umangat ang tingin ko sa kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Did he really asked if he could kiss me?! uminit ang aking pisngi. Kailangan pa bang itanong ang mga ganon? Sabagay.. he's Theon. She respect girls so much and wouldn't do any hasty things without consent.

Nginitian ko siya bilang tugon sa kanyang itinanong. I felt him move closer then touched my chin. He was about to kiss me when we heard a very very very cute voice. Gusto kong mapapikit sa hiya, ngayon mismo ay hinihiling kong lamunin ng lupa!

"Daddy! Mommy!" patalon na naupo ang anak ko sa kandungan ng kanyang ama bago kami binigyan ng tag-isang halik.

"I'll just.. p-repare your breakfast baby." dahilan ko upang makaalis nang sabay silang sumagot.

"Thanks.."

"Thanks mommy!"

Nagkatinginan sila. "I'm mommy's baby."

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon