Heet's POV
Idinantay ko ang aking siko sa gilid ng bintana at hinayaang maglaro sa aking kissable lips. Nasa daan kami ni miss Faime papunta sa isang paraiso.. Bwhahahaha!
Doon na kami kumain ng tanghalian sa bahay nila Sheryl, hindi naman na kami nakatanggi dahil si tita Sharah na mismo ang nagluto ng pagkain namin.
Nakipaglaro din kami saglit kay Roishin bago napagpasyahang umalis, napangiwi ako sa naalala. Siya lang naman ang nakipaglaro sa baby! Halos makalimutan na nga niyang kasama niya ako sa sobrang pagka aliw.
Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng kapatid ko 'no! Wala bang baby sa bahay nila miss Faime?Alas dos pa naman ang bukas ng pupuntahan namin kaya sakto lang din kaysa magantay kami doon 'diba?
"Where are we going?" hindi ko na mabilang kung ilang beses nang itinanong ni miss Faime 'yon, kanina pa kasi siya hindi magkanda ugaga kakatanong kung saan ko ba siya dadalin. Tumawa ako. "To Dora's House!" pakanta kong sagot.
Tumalim ang mga titig niya kaya naman napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang impit na tawa.
"Chill attorney, I'm not gonna kidnap you." ngumiwi lang siya sa sagot ko.
Sa totoo lang maraming lugar ang pumasok sa malinis kong utak nang mabanggit ni cous ang ideyang 'date.' Pero inuna ko sa listahan ang isa sa mga paborito kong lugar na sana ay magustuhan din ni miss Faime. Ngumisi ako, sisiguraduhin kong mapupuntahan namin ang lahat ng nasa listahan ko.
"What are you grinning at?! Mr. Dela Raine, just so you know I have lots of things to do at wala akong panahon sa mga kalokohan mo." bigla kong iprineno ang sasakyan.
"Son of a bitch! If you want to die, tell me!" malutong niyang mura. Hindi nga naman siya magiging si miss Faime kung hindi siya makakamura sa isang araw.
"Sabi mo wala kang trabaho ngayon?" tanong ko, hindi inalintang nasa gitna kami ng kalsada samantalang si miss Faime ay salubong na salubong na ang kilay.
Ang sabi niya sa akin kanina sa starbucks wala siyang trabaho ngayon, pero kung mayroon naman ay hindi ko naman siya pipiliting sumama dito, hindi naman ganoon kakitid ang utak ko 'no.
"W-wala nga, ikaw kasi ayaw mo sabihin kung saan mo ako dadalhin!" nagiwas siya ng tingin.
Kung ganoon ay ayos lang, ngumisi ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi na muling nagsalita si miss Faime hanggang sa itinigil ko sa isang kilalang boutique ang shiny shimmering Mercedes baby ko.
"What are we doing here?" kunot noong lingon sa akin ni miss Faime. Kakain babe, kakain.
Pinasadahan ko muna ng tingin ang suot niyang dress. Ngumiwi ako, hindi siya makakapagenjoy sa suot niya.
"Bakit ba tanong ka ng tanong, attorney?" nasaan na ba yung shades ko? Nakita kong nahulog ito sa ibaba kaya yumuko ako para kunin.
Nakangiti ko naman itong isinuot at napalingon sa kaliwa kong may kalabog at bigla na lang nagkaroon ng prada.
Napapalunok kong nilingon si miss Faime na siyang naghagis ng bag niya. Oh men."SINONG MAY ALAM BA ANG MAGTATANONG?! MALAMANG WALA AKONG ALAM NATURAL LANG NA MAGTANONG AKO!" galit na galit nitong sabi. Napakurapkurap ako at dahan dahang inabot sa kanya ang bag na padabog niyang tinanggap.
"Okay I'm sorry.. I'll buy you ragged wear para sa pupuntahan natin, and for the place, it's a surprise." Ngisi ko.
"Fine! Make sure your surprise won't fail me!" subok niya na sinuklian ko lang ng malapad na ngiti. Of course my lady. Ako pa? Ang gwapong Dela Raine? Lumaki yata ako sa sorpresa hahaha!
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...