Avila's POV
I parked my car outside the mansion. Theon's car to be exact. Bit bit lamang ang sarili ko ay lakas loob akong bumaba. I swallowed the lump in my throat. Kakayanin ko ba? Mapait akong ngumiti. Nakaya ko nga dati, e.
Sinabi ko ang pangalan ko sa babae at iginaya naman niya ako sa isang lamesa. I curled my hair into big curls and cut a bangs, panigurado ay hindi ako makikilala kaagad dito.
"Hi miss, drinks?" nginitian ko ang lalaking nag offer sa akin. "You look familiar, have we met before?" I know him, kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga naging business partners ni papa at nakita ko siya nang minsan akong isama ni papa sa kanilang meeting. Umiling na lang ako.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome, the engaged couple... Mircus Theon Johanson and Kristel Faime Herrano!"
Nagpantig ang aking tenga sa narinig. Umigting ang panga ko kasabay ng pagkuyom ng aking kamao. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Napakadaming tanong ang pumasok sa aking isipan pero wala akong karapatang isatinig iyon. Sino ba naman ako? Ako lang naman ang nagdala sa anak niya sa mundong ito, yun lang at wala nang iba. Binigyan lang ako ng matitirahan at sasakyan, ibigbang sabihin non ay babalik na siya? Hindi. Ginawa lang niya 'yon para sa anak namin!
Paanong engaged sila kung may kasintahan si Kristel? Paano niya naitago sa akin ang ganito kalaking bagay? Kahit papaano ay dapat binigyan niya ako ng ideya tungkol dito! Para naman alam ko kung saan ako lulugar! Para alam ko kung dapat pa ba akong umasa na makukumpleto ang pamilya ko o hindi!
"They looked so good. What do you think?" kaagad na kumulo ang aking dugo para sa nagmamay-ari ng boses. I looked side ways, and there he is. Smiling widely while eyes in front.
"You look better in your wheelchair." nakita ko kung paano nagtagis ang bagang niya sa sinabi ko. "What a rude and disgraceful woman." he answered.
I laughed without humor. "I can't believe you invited me for this, do you really think I'll stop just because your son is engaged?"
"No, I feel more than satisfied seeing you like that."
"Poor you, good thing you don't have a daughter. If you had, she will probably become miserable. What a shame to have a father like you." Nanlaki ang mata niya at bigla ay inabot ako na para bang handa akong saktan. Nginisihan ko lang siya. Alam ko kung gaano kabastos ang sinabi ko, pero wala na akong pakialam. Kulang pa iyon sa lahat ng ginawa niya sa akin, sa pamilya ko.
Nilapitan siya ng personal nurse niya at inilayo sa akin. Sinamaan pa ako ng tingin ng babae na inirapan ko lang.
"Feisty." matunog na ngumisi ang katabi ko at nasisigurado kong para sa akin ang sinabi nito. Malamang ay nakita niya ang ginawa ko. "Natatandaan na kita, miss Fontanilla."
Gumalaw ang gilid ng mata ko. Nakataas ang kilay niyang inabot sa akin ang isang baso ng wine, para bang hindi siya papayag na hindi ko iyon tanggapin. Kinuha ko iyon na lalong nagpalawak sa ngisi niya.
"How's life, madame?" kinunutan ko siya ng noo dahil sa salitang ginamit niya. "I don't talk to strangers."
He laughed. "Bryson Villamor." naningkit ang mata ko. "Still a stranger?" kung makapagsalita ito ay para bang aliw na aliw siya sa sinabi ko.
Bumuntong hininga ako. "Avila.." I said before accepting his hand.
"Kristel!"
Sabay kaming napalingon sa unahang gawi nang marinig ang sigaw ni Mrs. Herrano. Marami ang naging kuryoso sa nangyayari dahilan para magpuntahan ang lahat sa gawi namin kung saan tanaw ang nagaganap sa dalawang pamilya.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...