23

55 8 0
                                    

WARNING: CONTAINS MATURE SCENES. 


****

Kristel's POV

Naramdaman kong wala na ang mainit na katawang bahagyang nakadagan sa akin. I tried to blink once again ignoring my swirling sight to see what the hell is happening!

Brix is now laying on the floor wiping the blood from the side of his lips. Naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko, maaaring lasing na ako pero alam ko pa rin kung ano ang nangyayari sa paligid ko.


My friend didn't let himself be punched again, sinangga niya ang kamao ni Heet at siya naman ang bumawi rito. Nanlaki ang mata ko nang matamaan ang panga niya, damn!

"S-stop it!" pilit akong sumigaw pero natabunan ito ng malakas na tugtog. Heet punched Brix's stomach two times that made him kneel. Mabibigat ang hininga akong lumapit sa kanila, kita ko ang nagbabagang tingin ni Heet nang lumuhod ako para tulungan si Brix.
"What the hell are y-you doing?!" sigaw ko sa kanya. Gumuhit ang sakit sa mga mata nito.

Brix walked towards Heet and at the second time, he punched him on his jaw. Sinubukan ko silang awatin muli hanggang sa dumating na ang mga bouncer. Fvck! Bakit ang tagal nila?! Pareho ng may sugat sa labi ang dalawa at putok pa ang kaliwang kilay ni Brix.

Kahit gegewang gewang na ay nagdatingan ang mga kaibigan ko, taka nila kaming tinignan nang maabutan ang nanlilisik na titigan ng dalawa. "A-anong nangyayari dito?!" si Sheryl na marahang inalalayan ni Hades nang kamuntikan itong matumba.
Parang biglang nawala ang pagkahilo ko sa nakikita. Ano ba 'tong ginawa ko?!

"What the?! Anong nangyari dito?!" Halos lahat sila ay iisa ang itinanong. Hawak pa rin ng mga bouncer ang dalawa dahil sa oras na pakawalan nila ito hindi malabong muli silang magpambuno.

Sinubukan muling lumapit ni Brix pero napigilan na siya ni Hades at Jake. "Brix!" Si Saffina.

"What the fuck?" biglang dumating si Mith na gulat pa sa nakita.

Kabado at naghuhuramentado ang puso ko nang lingunin ko si Heet na sana ay hindi ko na lang ginawa, nakagat ko ang pang ibabang labi sa nakakapanindig balahibo niyang tingin.


His eyes are full of anger and disappointment, I can't help but to swallow the lump in my throat, his eyes were like daggers piercing inside me and could effortlessly turn my knees into jelly.

"Get off me!" rinig ko pang sigaw ni Heet sa mga kamay na nakahawak sa kanya para masigurong hindi na siya aamba pa ng suntok.


Parang may kung anong dumurog sa puso ko sa nakikita. The bouncers remained still, nagulat ako nang may sabihin lang si Mith ay parang mga batang bumitaw sila.

Halos mapako naman ako sa kinatatayuan nang makitang mabibigat ang hakbang ni Heet na tinungo ang gawi ko at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

Tahimik lang na nakamasid ang mga kaibigan ko nang pilit akong hinila ni Heet papalabas, sinubukan siyang pigilan ni Brix pero si Sheryl na mismo ang humawak dito. "Hayaan mo sila ng pinsan ko, he's her boyfriend." Sumilay ang pagtataka sa mukha ni Brix ganoon din ng iba.

"S-sorry.." tanging nasabi ko kay Brix nang marahas akong hinila palabas ni Heet. I have no choice but to follow his heavy footsteps that nearly made me fall, he's too damn fast!

Naluluha na ako dahil halos hindi ko siya masabayan sa bawat hakbang, nanghihina akong napatingin sa mahigpit niyang kamay na nasa braso ko, ang sakit.. hindi tulad ng dati na todo alalay siya sa akin, ngayon ay hindi na niya napapansin kung gaano kahigpit ang hawak niya dahilan para masaktan na ako.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon