51

4 0 0
                                    

Kristel's POV

"Saan kayo nagcheck in?" I quietly asked as I savour the cold breeze of the wind at night. The ranging noise of the sea waves makes me calm, I sighed. Pinauna ko nang pumunta sa Boracay market ang mga kaibigan ko for this secret conversation.

"Sa astoria.." I pursed my lips. Mayroon na siyang alam na kaunting tagalog, dahil kay Zeon.

Tumango tango ako, a five star hotel in station 1.

"How's tito?"

"Still recovering."

"Do they know you're here?"

Nagkibit balikat siya. "Maybe? Your father might told them." I rolled my eyes, fuck this show.

"Where is your family?"

"Hotel, we'll be out for dinner in a few minutes." Bahagya akong napalingon, maliit lang ang Boracay at hindi ko gugustuhing magkrus ang landas namin kasama ang mga kaibigan ko, paniguradong magtataka sila sa presensya ni Theon o kilala nila bilang 'Mith.'

He probably felt my uneasiness. "Don't worry." maikling aniya.

Inalis ko ang mata sa lalaking nakapamulsa at nakaharap sa dagat, tulad niya ay tinanaw ko din ang madilim na karagatan. "I'm a lawyer, but it's hard for me to lie... in front of Heet." binaba ko ang mata.

"It's not just you.." mabigat ang pakiramdam na anito. I clicked my tongue and faced him with no traces of drama.

"Let's do what we need to, my friends are waiting for me." tumango siya at inilabas ang camera.

After getting some shots that we think is enough to make them believe we really are together (not that we aren't) we immediately part ways.

"Oh? Saan ka ba nanggaling?" bungad na tanong sa akin ni Sheryl pagkarating ko. Naabutan ko silang apat na nakaupo sa isang restaurant. Marshall's to be exact. Kaya hindi kami magbabayad dahil kasama namin ang anak ng may ari. Isa pa, kasama 'to sa proposal ni Saffina na siya ang bahala sa pagkain.

"May kinausap lang, highschool friend." I shrugged and asked where the others are to divert the topic.

"Mag iikot ikot lang daw sila Jake at Hades, si Saffina nasa loob... niluluto pa lang yung pagkain." tumango ako.

I was left with Brix and Sheryl who's ranting about her missing necklace.

"Nakakainis! Suot ko pa yun kanina e!" busangot ang mukha nito habang paminsan minsan pang pinapalo ang mesa.

"Shh, pinagtitinginan na tayo oh." suway ko. Umirap ako, bakit parang pag suway na lang naman ang role ko sa bakasyong ito?

"Ang mahal kaya non Kris! Galing pang Australia 'yon." ngumuso siya.

"Baka naman naiwan mo lang sa room niyo?" hindi na napigilan ni Brix at sumabat na rin nga.

"No! Im sure, suot ko yun kaninang naglalakadlakad tayo sa dalampasiga---LECHE!!" dala nang gulat ay mabilis pa sa alas kwatro ko tinakpan ang bibig ng kaibigan tsaka hinila papaupo dahil nakatayo na nga siya.

"Shit Sher, may mga colleagues ako sa paligid." nasapo niya ang noo at napapikit sa kahihiyan.

Sheryl pouted as I took off my palm from her.

"I knew it! May naramdaman ako kanina sa batok ko, paniguradong siya yung nagnakaw!" siguradong aniya na sinamahan pa ng pagtango.

Nailing kami ni Brix. "You can't just conclude that fast."

Suminghap siya . "I'm sure! Hahanapin ko siya! Arghh!"

"Sheryl baby I found your necklace!!" my friend's eyes twinkled as I massage my temple while looking at Hades behind her. This silly brother of Zeus is not getting any older!

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon