Heet's POV
Nangingiti akong umalis sa bahay nila tita Sharah matapos ihatid si Sheryl. Ngumisi ako. Hindi naman totoong may girlfriend si Francis.. At tsaka yung tinutukoy kong si Dra. Xia, may asawa na iyon. Hindi naman sa ayokong sumaya ang pinsan ko. Ayoko lang si Francis para sa kanya. Dati ko ng naging kaklase si Francis sa isang subject noong nagaaral ako dito sa Pilipinas ng nursing bago ko ituloy sa New York.. At talagang ayoko sa kanya.
Mabilis ang naging byahe ko papunta sa law firm nila miss Faime. Balak ko kasi siyang sunduin para doon na rin kumain ng hapunan kila Sheryl. Natawagan ko na rin si Mith para sabihing doon na lang niya sunduin si miss Faime at binigay ko na rin ang address sa kanya. Alam kong masyado akong maaga kaya naman nagpalipas muna ako ng oras sa isang coffee shop malapit sa firm.
"One brewed coffee please." Order ko sa counter bago luminga lingang naghanap ng bakanteng upuan.
Napangiti ako nang makakita ng isang bakanteng lamesa na may dalawang magkaharap na upuan.
Inilabas ko ang cutie phone ko at nagsimula ng mag access sa internet. Naningkit ang mata ko nang sa kalagitnaan ng pagiinternet ko ay lumitaw ang isang post ng kung sino man ba 'to sa twitter. Pictures ito nung sinundo ko si miss Faime. Hindi siya kita ng malinaw samantalang ako naman ay kitang kita. Nagtagis ang bagang ko nang mabasa ang caption.
People nowadays use power to manipulate others. So easy for a fish to jump from one coral to another. Everyone thought that it was the coral's fault why the fish left, but now it's crystal clear that the fish is not indeed a fish but a shrimp.
#BewareDoctors"H-here's your order sir." Tinanguan ko na lang ang server na naglapag ng kape sa lamesa ko. Pamilyar ang boses babae niya pero hindi ko na lang pinansin pa.
Nagigting ang panga ko sa nabasa. Hindi maipagkakaila na isa ring anti-miss Faime ang nagpost. Malinaw na malinaw ang ibigsabihin ng caption, hindi direkta pero naninira. Napabuntong hininga ako at napahilig sa upuan. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit ko tinanong ulit si miss Faime tungkol sa deal. Kilala siya at kakabreak lang nila ng ex boyfriend niya, paniguradong huhusgahan siya kaagad dahil iisipin nilang nakahanap na siya. Ang malala pa, iniisip nilang uhaw sa doktor si attorney dahil pareho kaming doktor ng huli niyang naging kasintahan.
Napangisi ako. Tulad nga ng sinabi ko noon, bibihira na lang ang talentadong gwapo ngayon.
Nagbreak sila ni Gnade, sa mata ng iba siya ang may kasalanan. Ngayong dumating ako, siya pa rin ang mali. Kaibigan na rin ang turing ko kay miss Faime kaya hindi ko hahayaang tratuhin siya ng ganito. Hinuhusgahan kahit wala naman silang alam sa pinagdadaanan niya.
Alam ko, nakikita kong nahihirapan siya sa lagay niya.. Cheesy na kung cheesy pero gagawin ko ang lahat para hindi siya magsisi sa pagpirma ng kontrata.
Sumimsim ako ng kaunti sa kape. Iniscroll down ko pa para makita ang mga replies.
< By Elliyana09
Akala ko kasalanan talaga ni Doc, grabe naman ano yun pinalabas na siya pero ang totoo si atty pala?
By Feelinghappymother
She's an attorney and a model? How could she act like this? My daughter adored her so much, I feel disappointed.
By PrincessGeorge
Sabi ko na nga ba eh! Yung mga mahahaba ang hairlalu diyan, huwag tularan! Gamitin ang ganda sa tamang paraan!
By FelicityShin
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...