Sheryl's POVKinuha ko ang malambot kong unan tsaka itinakip sa bibig bago muling tumili. "Hey? Baby?" Shete!!!!!!@#453627i812881
Kinikilig ako!"Hmm? Sorry may ginawa lang ako.." malambing kong palusot.
"It's okay.. nasaan ka?" kinagat ko ang pangibabang labi, "Nasa condo.."
"Pwede ba akong pumunta diyan? I miss you.." nanlaki ang mata ko. Hindi niya alam na may ibang nakatira dito!
"H-ha? 'wag! I mean, magkikita rin naman tayo eh.." balisa kong sabi.
"But I miss you.." muli kong pinigilan ang sarili sa nagbabadyang tili. Aish! Ano ba Sheryl umayos ka nga!
"I miss you too.." sagot ko.
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Gusto mo ako na lang ang maghatid sa'yo mamaya sa birthday ng pinsan mo?" alok niya. Umiling akong parang baliw, tch! Kala mo naman nakikita ka Sher!
"No, it's okay.. alam kong pagod ka sa trabaho mamayang hapon."
"But.."
"Francis." may diin kong sabi, kunware galit pero ang totoo kinikilig ako.
"Fine, kailan pa ba ako nanalo sa'yo?" natawa ako sa pabirong aniya.
"I love you.." natigilan ako. Bakit ganon..
"Sher?"
Napabalik ako sa wisyo. "Hehe sorry may ginawa lang.."
"It's okay.. where's my iloveyou back?" kahit hindi ko siya nakikita alam kong nakanguso na siya.
Napalunok ako. Girlfriend na niya ako, pero bakit hirap pa rin akong sabihin ang tatlong katagang yun? Ano ba yan! Napasabunot ako sa buhok.
"Uhm.. I.." bago ko pa maituloy ay sunod sunod na katok ang bumalatay sa pinto ng aking kwarto.
Ang aga aga nambubulabog!
"Sher?" nagmamadali kong ibinaba ang telepono. "I'll hang up baby, emergency!" sabi ko at kaagad na ibinaba tsaka napabuntong hininga.
Napabalikwas ako nang bangon kasi katok na naman ng katok ang kung sinong nasa likod ng pinto.
Sino yun? Nandito ba si Saff? Hindi naman ako ganoon katukin ni Lyka eh! At hindi naman kumakatok si Levi!
Bubuksan ko pa? Hindi pa ko nakakapagpalit ng suot kong pantulog! Patuloy ang marahas na pagkatok, aba't makulit talaga ang kung sino mang kumakatok na 'to! Pero at least nakatakas ako kanina kay Francis.
"What is--"
Natigilan ako nang makita ang humahangos na si Levi. "A-anong nangyari?!"
"S-si tatay! Hindi makahinga si tatay!" nanlaki ang mata ko at hindi na inalintana pa ang suot. Tumakbo ako papunta sa kwarto kung saan siya nagpapahinga. Nakita ko si tito na nakahawak sa dibdib at animong hirap sa paghinga.
Kaagad kong kinuha ang nebulizer at isinaksak. Naginject na rin ako ng gamot doon bago inilagay sa bibig niya para mapasukan ng hangin.
Nagaalalang nakatingin si Levi sa tatay niya.. ilang minuto lang ay naging stable na ang paghinga ni tito..
Hayys, mabuti naman.
"Pasensya ka na hija.." umiling ako at naupo sa kama."Ayos lang po yun tito, may nararamdaman pa po ba kayo? Sabihin niyo lang po.."
"Ayos na ako, hindi lang ako makahinga kanina.."
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...