18

60 7 0
                                    

Heet's POV

"Lawyers are great inventors."

"Tch!"

Ilang minuto pa kaming pumila bago narating ang dulo. Apat apat ang nakaupo sa bangkang pabilog na gawa sa kahoy pero moderno ang dating.

"Tabi tayo." sabi ko.

Inalalayan ko si miss Faime sa pagsakay sa bangka, nasa tubig na kasi kaya magalaw. Napalunok ako nang nagsimula nang gumalaw ang bangka.. Kinakabahan ako, hindi kami makakatakbo dito kung sakali dahil tubig ang dinadaanan! Tinawanan lang ako ni miss Faime.

May pinasukan kaming tunnel, madilim bago unti unting lumiwanag.

"Wow!" narinig kong sabi ng isang batang kasama namin sa bangka. Namamangha ko ring tinignan ang kweba, mayroong mga mannequin na gumagalaw, mga pirata karamihan. I saw a large boat, basically 7 feet high that slowly moves from right to left.

Paano kapag biglang bumagsak yan? Edi kami ang natamaan? Aish stop being nega handsome!

The whole view felt realistic because of its neon lights and artistic background sounds resembling the life-like figures, this is far better than the previous ride we had.

"Nakuu wag ka magalaw anak, tataob tayo dito." usal ng ina sa anak niya.

"We should take pictures." wala sa sariling sabi ko.

Tumawa si miss Faime. "You seemed too nervous, hindi mo ba narinig kanina na taking pictures is not allowed? It's strictly prohibited." paliwanag niya.
Nag make face lang ako. Edi bawal! Ang panget panget rin naman dito malalagyan lang ng pangit na litrato ang cutie phone ko.

May dinaanan ulit na tunnel ang bangka, mas matagal na dilim ang tiniis ko kumpara kanina.. pero sulit naman dahil tila isang paraiso ang kwebang pinasukan.

Kung hindi ako nagkakamali, valentine ang motif nito. I can see kupido and its spouse psyche, in love physique of mannequins can be seen everywhere. Fetching visage of couples dating are visible as well.

Nakarinig din ako ng mga sound effects tulad ng pagkalansing ng kutsara at malambing na pagtawa, perfect for a valentine ambience.

"Kupido!!" nagtatatalon na tinuro ng bata ang isang imahe ng lalaking naka puting balabal at may hawak na pana.

"Shit!" hinawakan ko ang bewang ni miss Faime nang kamuntikan na siyang ma out balance, pati naman kasi siya ay nakatayo na!

"Sit, baka hindi na tayo makarating sa dulo!" saway ko pero parang hindi siya nakarinig.

"Take me a picture, faster!" Akala ko ba bawal?

"Come on Heet malapit na makalagpas!"

Wala akong nagawa kundi kunin ang cutie phone ko, baka magwala pa siya sa bangka e, sabay sabay kaming tumaob dito, dalawang bata pa man din ang kasakay namin. Napailing na lang ako.

"Umupo ka kung gusto mong kuhanan kita." parang bata naman itong umupo at ngumiti nang itutok ko ang camera.

"Let me see."

"You can check it later." sabi ko, tumango siya.

Ilan pa ang nadaanan naming mga kweba kweba bago nakarating sa dulo, nakadami din ng pictures sa'kin si miss Faime.

"I like this shot!" nakangiti niyang sabi habang patuloy na nagviview ng mga pictures niya kanina.

"Of course, ako ba naman ang photographer?" hindi niya ako pinansin.

Pinagmasdan ko lang siyang nakatutok sa phone ko. Kung hawak ko lang ang phone ko ay nakarami na ako ng stolen sa kanya.

Busy siya kaya saglit akong bumili ng pagkain sa di kalayuan. Pagbalik ko ay nakaupo na siya sa table, sa labas kasi ng pirate adventure ay ang foodcourt.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon