14

63 7 1
                                    


Kristel's POV


"Yes tita, nasaksakan na po siya ng oxygen.. opo opo.. uuwi na rin kami maya maya, tita." Rinig ko pang boses ni Heet habang kausap si tita Sharah sa telepono.

"Mabuti na lang at nadala niyo siya kaagad dito. She needs a check up as soon as possible." Sabi ng lalaking nurse.

"Doc Dela Raine.." usal niya kaya naman napalingon ako sa katabi ko na kanina pa pinagtitinginan ng mga pasyente.

Seryoso itong tumango. "How is she?" naglandas ang palad ni Heet sa baywang ko na bahagyang nagpakislot sa akin.
Nakita iyon ng lalaking nurse at bahagyang pumula ang pisngi niya bago ibinalik ang tingin sa katabi ko. Naginit din ang aking pisngi sa ginawa niya. Nilingon ko si Sheryl na nakahiga at matamang nakatingin sa kamay ni Heet na bahagya pa akong pinipisil.


Goodness, this is embarrassing.

"A-ah, according po sa sinabi niyo.. Malaki ang possibility na ang mabilis na pagbabago ng temperatura o climate change ang nagtrigger sa asthma niya so I suggest for her to have a checked up soon para mabigyan na rin po siya ng mga g-gamot.. Delikado ang biglaan niyang pagkakaroon ng asthma attack lalo na't inakala niyong nawala na ito noong bata pa siya.. pwede na rin kayong umuwi at magpahinga." Hinarap niya si Sheryl at tinanggal ang oxygen na nakakabit sa kanya.

"Tutal ay nurse ka rin naman tulad ko, alam kong alam mo na ang mga bawal tulad ng magpagod.." tumatango lang ito sa mga bilin ng nurse at walang bakas ng anumang emosyon ang mukha.

Nilapitan ko si Sheryl at inalalayan sa pagtayo, mabuti naman at hindi siya pumalag at nagpaalalay din. Kinakausap pa rin ni Heet ang nurse at mukhang may mga ibinilin pa 'to at may pinafill-up-an din. Sa labas ng pinto ay naabutan namin si Mith na nakapamulsa at bakas ang pagaalala sa mata.

"M-maam.. are you okay? I'm sorry 'bout what I said a while ago.. It's my fault, I'm really sorry.." I don't think there's a need for him to apologize but, well..

Nagiwas siya ng tingin. "I'm fine and don't be sorry. I understand your point, I should be the one who's sorry.. And, it wasn't you who triggered my asthma either." Tumango si Mith at pinangunahan ang pagpunta sa sasakyan. Ako naman ay nagpaalam muna na babalikan si Heet.

I sighed heavily. I was so nervous when I saw her having a hard time breathing and it made me panicked. Eventually, that's my first time seeing her having an attack although she had told me stories about it back then. Ang kwento niya nung bata pa siya ay may hika na pero kalaunan, nawala na rin kaya naman abot langit yung kaba ko.


"Hey.." hindi ko napansing nakalapit na rin pala ako kay Heet na palabas na din.

"Anong sabi ni tita Sharah? Malamang nagalala 'yon."

Marahas siyang nagbuga ng hininga. "Yeah.. Pauwi na nga siya at ang sabi ko naman sa bahay na dahil uuwi na rin naman tayo."

He looked at me, as if examining my reaction or reading my thoughts. Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang intensidad ng kanyang mata. "You okay?" tumango ako.

"I'm sorry." Napatigil ako sa paglalakad. "Sorry?" kumunot ang noo ko at hinarap siya.

"Sa mga kasinungalingan ko kanina. Sorry dahil nagiging sinungaling ka pa ng dahil sa akin."


'Mga kasinungalingan ko kanina..'

I felt a sudden pang in my chest.

"W-what are you saying? Kakabit ng pagpapanggap ang pagsisinungaling, Heet."

"I know that, but still. I'm sorry." He said softly.

"I don't know what you're sorry for but, okay I forgive you." kasabay ng malungkot kong pagngiti ang pagkahulog ng ulo nito sa balikat ko. Umawang ang labi ko, I don't know why tears began to fill my eyes.. Hinawakan ko ang likod niya.

"Heet..."


"Damn this life, hindi na ako nauubusan ng problema." Nanlambot ang puso ko.

Indeed, a man who laugh most of the time has more problem most of the day. Hinagod ko ang likod niya, making him feel that 'hey I'm here.'

"Faime?" he drawled. Kumalabog ang puso ko at napalunok.

"..Yes?"

"It's getting late, let's go." Pagod siyang nag angat ng tingin at nginitian ako, pero nakikita ko sa mga mata niya.. malungkot siya. The side of his lips rose a bit.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon