61

7 0 0
                                    


Kristel's POV

"Oh my gosh.. Kris.. please calm down.." kinagat ko ang labi at nanghihingi ng tawad na tumingin sa makeup artist. Today is the day of the engagement party. I've been here in a random room inside the Johanson mansion for 3 fucking hours at hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang nag-aayos sa akin. I should be mad but it's better. Hindi ko na yata gugustuhing matapos pa ang oras.

Muli niyang inayos ang eyeliner ko, kanina pa kasi tumutulo ang aking luha habang minemake-up-an ako. "Ayan.. water proof na." tipid siyang ngumiti. Ako naman ay tulala lang na tinitignan ang sarili sa salamin. Hindi ko kayang ngumiti...

Iniisip ko ang mga tawag ni Heet kahapon na sinadya kong hindi sagutin. Hindi ko pa nga nahahawakan ang phone ko, umiiyak na ako. Paano pa kaya kapag narinig ko ang boses niya?

Astang ilalagay na niya ang pulang lipstick nang pigilan ko ito. "Why?" walang emosyon akong nagsalita. "I want it black." nakita ko kung paano umawang ang labi nito na para bang hindi makapaniwala. "Are you sure? Hindi babagay ang black na lipstick for engagement--"

"Do you want me to repeat it?" natigil ang kanyang pagsasalita at napabuntong hininga.

"Change my eyeshadow, I want it black too." nilingon niya ako at tinitigan. "As you wish." anito tsaka binura lahat ng nasa mukha ko. Nakita ko kung paano siya napailing iling, siguro ay iniisip niya kung bakit hindi ko sinabi kanina pa.

Inutusan ko ang guard sa labas ng pinto na huwag magpapasok ng kung sino kaya naman kahit ilang beses nang kumatok si mama ay wala siyang magawa.

"Boyfriend mo si Heet, hindi ba?" umigting ang aking panga. "Make up artist din ako sa Brilliance." anito. Hindi ako umimik, wala ako sa mood makipagkwentuhan. Iniwan ko nga ang cellphone ko sa bahay namin, I don't want to answer any calls.

"Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Pero 'wag ka naman oa, ang gwapo at yaman na kaya ng mapapangasawa mo." Hindi pa rin ako nagsalita. Tulad ng sinabi ko ay wala ako sa mood. Huwag niya rin akong subukan dahil isang salita pa niya ay makakatikim na siya.

"Ipaubaya mo na lang sa iba si Heet, huwag ka na maginarte at---"

"Again?" nabitawan niya ang hawak na palette. "K-kristel..."

"Could you shut your mouth?" nagtatagis ang mga ngipin kong sabi. I don't want to do this but she's over the belt. I'm not in the fucking mood to entertain my patience.

"S-sorry.. p-please.." matalim ko siyang tinignan bago inalis sa bibig niya ang nguso ng baril. Nakita ko kung paano manginig ang ang buong katawan niya. I rolled my eyes, I'm not even sorry.

"Bilisan mo bago tuluyang maubos ang pasensya ko."

****

Pairap kong sinulyapan ang pinto sa pamamagitan ng salamin. Si Theon ang pumasok sa kwarto.

"A-aalis na p-po ako s-sir.. ma'am.." nanginginig ang babae na binitbit ang mga gamit niya. Umismid ako.

"What did you do?" asik ni Theon nang mapansin ang takot ng make up artist ko. "None of your business." matunog siyang bumuntong hininga.

"Everyone is complete outside. Let's go." nagtama ang paningin namin ni Theon. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang pamumugto ng mata nito. I'm also aware that my eyes were the same, but the make up managed to hide it.

"What's going to happen after this?"

Tamad siyang sumagot. "We're engaged?" anito na may halong sakrasmo. "Can you please stop saying that?" iritado kong sabi. Nagkibit balikat lang ito.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon