Avila's POV
Mabilis ang kabog ng aking dibdib habang patuloy sa paglinga. Maski sina Heet ay hindi na magkamayaw sa paghahanap sa aking anak. Nandito lang siya kanina! I'm sure of it!
Naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng mata. Bakit ba lagi na lang nangyayari ang ganitong scenario? Bakit kailangan maramdaman ko ang ganitong klase ng kaba? Napakalaki ng Boracay! Hindi ito basta lang mall or what! Pano kung sa dagat siya napunta?
"Calm down.. we'll find Zeon. Okay?" tipid akong tumango at pinalakas ang loob. Hindi namin kasama si Theon dahil nanguna na siya sa paghahanap. Si Heet naman ay may mga tinatawagan para pairalin ang connections niya at mas madaling mahanap ang anak ko. Sa kabila ng pag-aalala ay pinilit ko ang sarili na kumalma at magdasal.. Hindi namin siya mahahanap kung ganitong naghihisterya ako.
"Magandang umaga ho.. may nakita po ba kayong bata? Ito po ang itsura.." umiling ang ale na pinagtanungan ko kaya naman sumunod ako sa isa pa ngunit sa kasamaang palad ay pareho lang sila ng isinagot.
"Hindi kaya bumalik siya sa hotel? Matalino si Zeon at kung pansin niyang nawawala na siya for sure doon siya pupunta." nagkatinginan kaming tatlo. Mabuti pa nga! Binilinan ko sila na tumuloy lang sa paghahanap at ako naman ang babalik sa hotel. Mas magiging madali kasi kung hiwa-hiwalay kami.
Paalis pa lang ako ay narinig ko na ang hiyaw ng aking anak sa likuran dahilan para muli akong tumingin doon. Namilog ang mata ko at kaagad na tumakbo papalit sa aking mag-ama.
"Oh my god! Zeon! Where have you been!" iyak ko habang mahigpit siyang niyayakap. She brushed my hair and whispered his sorry. "I just want to ride the parachute, mommy.. I'm really sorry for making you worried.." he hugged me.
"Mahilig pala sa hide and seek si Zeon.." tumawa si Heet.
"No! I saw Sheryl!" natigilan ako. Nilingon ko si Theon para sa kumpirmasyon na tinanguan lang niya.
"He's with Sheryl when I found him.."
Sumipol ang tito Heet ni Zeon. "You should have brought tito Levi with you, kiddo!" nakangisi na ako ngayon habang tinitignan si Levi na poker face pa din. Wow ha! Masyadong in denial!
"What? Why?" kunot na ang noo ng aking anak. Nagpabuhat siya sa daddy niya.
"Don't do that again, son. You don't want your mommy crying, right?" Zeon nodded.
"I promise, daddy!" he answered then gave him a peck on the lips. "Good boy."
Nag patuloy na kami sa paglalakad, ang agenda kasi namin ngayong araw ay water activities. Tamang tama naman ang panahon para doon. Hindi gaanong masakit sa balat ang araw, tamang tama lang para sa aking anak.
"But wait, tito Heet! What's with Sheryl and tito Levi?" muli niyang ibinalik ang usapan. Napabuntong hininga ako.
Malakas na humagalpak si Heet na mukhang tuwang tuwa sa pangaasar kay Levi, busangot na ang mukha nito kaya nakisali na rin ako sa tawanan.
"Tss.. it's nothing, Zeon." Binigyan ko naman ng 'weh-di-nga' look ang aking matalik na kaibigan na inirapan lang ako. Makairap 'to, tusukin ko 'yang pasa mo e. Ang sabi ni Heet ay nakipaghabulan daw sa magnanakaw kaya ganyan ang nakuha.
"That's good. Sheryl's mine." kamuntikan na akong mabilaukan sa sariling laway. Hayan na naman ang anak ko! Masyado yatang na love at first sight kay Sheryl!
"Seriously?" hindi makapaniwala ang mukha ni Theon sa anak. "Yes, daddy. She's really beautiful, I like her!"
Laglag ang ang panga kong nakatingin kay Zeon, susmaryosep! Bata pa ang anak ko!
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...