Avila's POV
Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa trabaho, at syempre hindi ko makakalimutan si Sasha na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala.
"Hoy 'te! Tignan mo na ang kotse mo baka wala nang gulong!" naghihisterya pa rin niya ani. Natawa ako. "Kumalma ka nga.." nagpaypay pa ito ng sarili na animong hindi kinakaya ang sinabi.
"Paano ako kakalma?! Mas mahal pa yata sa buhay ko ang kotseng dala mo! Sigurado ka bang kailangan mo pang maging waitress sa lagay na 'yan?"
"Hindi naman sa akin 'yan at pinahiram lang ni Theon." ngumiwi siya. "Parang gusto ko na lang maghanap ng sugar daddy!" gulat ko siyang tinignan.
"Hindi ko sugar daddy si Theon!" umirap ito. "May sinabi ba ako?" napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko na hinintay pa ang kaibigan ko dahil overtime daw siya ngayon. Ako naman ay nagmaneho na pabalik sa condo. Naisip ko pa sanang maggrocery dahil hindi pa naman ganoon kakumpleto ang mga kagamitan sa pinahiram na unit ni Theon, pero siguro sa susunod na lang at pakiramdam ko hindi ko na kaya pang maglakad sa pagod, isa pa ay miss ko na ang anak ko.
"Pa.." nagmano ako kay papa. Kaagad na tumakbo sa akin ang anak at hinalikan ako sa pisngi.
"Where's your daddy?" I asked.
Nagkibit balikat ito. "Daddy just left, mommy. He said he'll be gone for..." he looked at his tiny fingers. "One.. two.. three.. four.." pinakita niya sa akin ang mga daliri.
"Four days, mommy!" humagikgik siya. Nginitian ko ang anak.
Four days? Oo hindi naman 'yon ganon katagal pero.. bakit hindi man lang siya personal na nagpaalam sakin? Not that he needed my permission though...
Naramdaman ko ang tingin ng aking anak. Napansin niya kaya ang naging reaksyon ko? Minsan napapaisip na din talaga ako kung tama lang ba talaga ang edad ni Zeon para sa mga pinapakita niya. Manang mana siya sa daddy niya..
"Mommy.."
"Hmm? Yes baby?" lumuhod ako upang magpantay kami.
"Daddy said he loves you so much.." dahan dahang umawang ang labi ko. Bigla ay naramdaman kong maginit ang gilid ng mga mata. Parehong pareho sila ng ama niya, nakakagulat ang bawat salita.
"What did you said.. Z-zeon?" he cupped my cheeks.
Gusto kong maiyak. Bakit ba nagiging emosyonal ako? Para namang mawawala si Theon nang dahil lang sa four days! Baka naman kasi may trabaho or may mahalagang aasikasuhin.. Sana nga..
"Daddy told me to hug you for him..." mahigpit akong niyakap ng anak ko at animong naubusan ng lakas ay hindi ko masuklian ang mainit na yakap niya. "...daddy told me to kiss you for him.." he gave me a peck on the lips while smiling. "..and daddy told me to tell you I love you, for him."
"I love you so much mommy!" sabi pa niya tsaka muli akong niyakap. "I love you too, baby.." mahinang bulong ko.
Hindi ako mapakali. Hanggang sa umabot ang gabi, parang may kung anong bumabagabag sa akin na hindi ko mapangalanan. May kakaibang kaba akong nararamdaman na hindi ko alam kung saan nagsimula. Inaamin ko, nagulat ako sa pinapasabi ni Theon. Mahal niya ako? Paano? Hindi ba't galit na galit siya sa akin? Paano niya nasabi sa anak namin na mahal niya ako?
Yakap yakap ang sarili ay bumangon ako. Mabuti na rin pala na may sarili akong kwarto, paniguradong hindi makakatulog ang anak ko kapag nakita niya kung gaano ako hindi mapakali. Lumabas ako upang uminom ng gatas, sana makatulog na ako.. maaga pa ang trabaho ko at nagpapasundo si Sasha. Gusto daw niyang matikman ang sasakyan na gamit ko. Natawa tuloy ako sa sariling isipin.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...