Heet's POV
Nagunat unat ako. Geez! Ikalimang araw na namin ngayon at sa ikapito ng tanghali ang uwi. Sana lang talaga ay hindi na maextend pa dahil miss na miss ko na si miss Faime! Pakiramdam ko ilang taon ko na siyang hindi nakakasama. Paano ba naman kasi, walang kasignal signal dito! Ang sabi ni dra Alice, kapag umulan lang tuluyang mawawala pero bakit tirik na tirik naman ang araw.. wala man lang signal?!
Napabuntong hininga ako. Ang mabuti pa ay maghanda na ako para sa continuation ng aming medical mission. I'll just focus here instead para mabaling ang sobrang pagkamiss ko sa aking girlfriend.
Good thing the hospital provided us a place to stay, though it isn't that comfortable like home, okay na rin naman. Understandable na rin namang hindi pa ganoon kadeveloped ang mga imprastraktura sa bayang ito. Kung pupunta pa naman kami sa kabilang bayan para magcheck in ay paniguradong uubusin non ang oras namin.
"Doc! Pakidala naman ng mga alcohol at cotton supplies d'yan, hindi ko na kasi mabuhat." tumango ako tsaka iyon kinuha at lumabas na.
Sariwa at walang polusyon ang hangin dito, karamihan din ng mga bahay ay walang kuryente at mabibilang lamang ang mga gripo. Ganitong mga klase ng lugar ang madalas na target ng aming ospital, masyado silang malayo sa ospital at kung may mini health center man, hindi naman kumpleto ang kagamitan.
Nginitian ko ang isang matandang kinukuhanan ng blood pressure. "Ang gwapo mo naman, hijo.." nahihiya akong ngumiti.
"Talaga ho, nay? Kayo pa lang ho ang nagsasabi sakin niyan!" nagngiwian ang mga doktor na kasama ko.
Karamihan sa mga nakatira dito ay matatanda na, nakakabilib nga na silang malayo sa bayan, ang talagang tumatagal ng daang taon. Ganon siguro talaga kapag maganda ang paligid.
Nararamdaman ko tuloy na tatagal din ako ng ganon, syempre magaganda ang nakapaligid.
Sumapit ang tanghali at nang matapos ang last batch ng umaga ay nagtanghalian muna kami. Nagugutom din naman kami, 'no!
Gulat akong napahawak sa bulsa nang tumunog ang cellphone, anak ng pating... may signal na?!
Halos tumalon ako sa saya nang makumpirmang mayroon nga, kaagad na pumasok sa isip ko ang tawagan si miss Faime pero napukaw na ng unknown number ang paningin ko. Sino naman kaya 'to?
Sinagot ko iyon pero hindi muna ako nagsalita, hinayaan ko ang nasa kabilang linya na mauna.
"Hello? Is this the number of Heet Dela Raine?" namilog ang aking mata nang mahulaan ang nagmamay-ari ng boses.
"Yes, may I know who's this?"
Humalakhak ang nasa kabilang linya. "Hijo! I didn't know you're here in the Philippines!"
"Tito Mirlon!" lumayo ako sa mga kasamahan.
"Yes, it's me. I actually called to invite you.." tumaas ang kilay ko.
"I don't know where to send you the invitation so I decided to personally call you instead. Tomorrow night is my son's engagement party, can you come?" nanlaki ang aking mata at nalaglag ang panga. Salamat na lang talaga at hindi nakikita ni tito ang reaksyon ko!
Ampota.. ikakasal na si Theon?! Bakit hindi ko man lang alam!? Hindi man lang ako inimbitahan ng loko! Ganon na ba ko kawalang kwenta para sa kanya? Huhu
"It will be held on our place, I'll send you the address and the time. Please come, hijo.. Theon will be happy."
Magiliw akong sumagot. "Of course, tito! I wouldn't want to miss this!" humalakhak muli si tito. "As expected to you, thank you Heet.. I'll hang up. Looking forward to see you,"
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...