Sheryl's POV
Kanina pa ako buntong hininga ng buntong hininga, oo na inaamin ko KINAKABAHAN AKO!Natatandaan ko pa naman yung mga dinaanan namin kanina ni Lyka. Nagpumilit nga siyang sumama pero sinabi kong ako na lang kasi mas kailangan siya ng tatay niya.
Tanda ko pa din naman ang itsura kaya hindi naman siguro ibang tao ang madudukot ko? DUH!Pinark ko na ang kotse ko sa pinagparkan ko din kanina. Ang sabi ni Lyka ay deretsuhin ko lang itong iskinitang ito tapos kumaliwa ako, ang pangatlong pintong makikita ko ay kanila.
WUHOO! Humugot ako ng malalim na hininga bago bumaba. Wala namang mali sa ginagawa ko diba? Tumutulong lang naman ako, hindi naman siguro ako pagagalitan ni mommy.Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing middle thigh maong shorts and navy blue hanging blouse. Hindi na ako nakapagpalit dahil mapapalayo pa ako, ang sabi pa naman ni bes eh nilalagnat ang kuya niya.
Sinigurado ko munang locked ang aking sasakyan bago pumasok sa iskinita. Tulad kanina ay madami pa ring tao at basura, mabaho rin ang amoy ng paligid. Kinuha ko ang panyo ko para ipantakip, naaamoy ko si kuya Heet! ERR.
"Wit wew!" narinig kong may sumipol. Umirap lang ako, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda dito?
"Miss, bago ka yata rito?" ngisi naman ng isa. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, wala akong panahon sa inyo! saan na nga ba? Kaliwa o kanan?
"Aba't matapang ah!"
Naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko, "A-ano ba! Bitawan mo nga ako!" angil ko. Ngumisi lang siya at pinalibutan nila akong apat.
Nanginig ang tuhod ko sa kaba.SHIT NA MALAGKIT! Halata pa naman sa mukha nila ang pagiging barumbado.
"Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito magisa, at magtataray ka pa, ha?" tumawa ang tingin ko'y lider nila na sinundan ng tawa ng tatlo. Tinaasan ko sila ng kilay sa kabila ng pagdagundong ng dibdib ko.
Napatingin din ako sa paligid, walang may gustong tumulong! Ang ilan ay umalis na sa takot na madamay samantalang ang iba ay nakikitawang nanonood."Padaanin niyo ako, hindi kayo ang ipinunta ko rito." Kalmado kong sabi at nag cross arms.
"Laki ah.." namilog ang mata ko sa naka puting sando, nakatingin siya sa dibdib ko!
"BASTOS KA!" malakas ko siyang sinampal.
Agad na napahawak sa pisngi ang lalaki. Bagay lang 'yan sa'yo walang hiya ka! Nanginig ang tuhod ko ng hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang kamay at akmang susuntukin ng sinampal ko.
DAMN SOMEBODY HELP ME!!!
Nakapikit kong inantay ang paglapat ng kamao niya pero wala akong naramdaman kundi ang pagluwag ng hawak ng dalawa sa kamay ko! Napadilat ako at nakita ang lider nilang nakahandusay na sa maruming semento.
Pamilyar ang tindig na nakita ko.. maging ang mga mata nito..Sinundan ko ng tingin ang tatlong naguunahan sa pagtakbo. Mga takot din pala kayo, eh!
"S-salamat.." usal ko sa lalaking mariin ang titig sa akin, sa suot ko. Napalunok ako sa kaba. Bakit ba ako kinakabahan sa mga titig niya?
"Sino ba ang nagsabi sa'yong pumunta ka pa dito?" bakas sa tinig niya ang galit. Kumurap kurap ako, sinisigurado kung siya ba ang pakay ko, o baka naman namamalik mata lang ako?
"Susunduin sana kita!" agap ko. Natulala ako sa tawa niya. "Umuwi ka na, hindi ako sasama sayo." Aniya at tinalikuran ako.
Hindi pwede! Kailangan niyang sumama! Nangako ako kay Lyka, at tsaka may lagnat siya, diba? Bakit nakasuntok pa siya? Akma ko siyang hahabulin nang mayroong humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit, halatang galit.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...