Kristel's POV"Hindi ka pa rin ba aalis?" hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ko tinanong 'to sa kanya.
Ibinaba niya ang magazine na binabasa at nakataas ang kilay akong nilingon. "Hindi naman halata na gusto mo na akong paalisin 'diba, miss Faime?" sarkastiko niyang ani.
Psh, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang ay naiilang ako! How could he act so cool not minding what happened yesterday night?! samantalang ako halos mabaliw na dito kaiisip sa sinabi niyang nagseselos siya. Darn, why was he jealous? May gusto na ba siya sakin? But that's impossible!
Padarag kong kinuha ang cellphone ko sa coffee table dito sa salas. Kanina pa kami dito nakaupo, abala siya sa mga magazine samantalang ako heto at nagmumuni muni pa rin.
I activated all my accounts. Inaasahan ko na ang dami ng notifications. Una kong binista ang instagram, I remember my picture in starcity. I should upload it.
Inupload ko ang picture namin ni Heet sa snow world pero bahagya iyong nakablur. Napangiti ako, I like it this way, a bit mysterious.
After a couple of minutes checking dms, I moved to my favorite twitter.
Kumunot ang noo ko sa nagkalat na stolen picture namin ni Heet, meron sa starbucks, charaptor, sa starcity, at yung mismong hawak niya ang kamay ko habang tumatakbo kami, ito yung mga panahon na isinigaw kong gwapo siya.
What the... Fuck?
Hindi na ako nagulat sa ilang bashers na nagreply, but what stunned me is this picture of me in a bar. Damn! Kagabi lang 'to!
"Ano 'yan miss Faime?" hindi ko siya pinansin hanggang sa pabagsak siyang naupo sa tabi ko habang may kagat pa na doughnut.
"Hey, that's me." at nagawa pa niyang tumawa habang ako ay salubong na salubong na ang kilay!
It's a stolen picture as well, inaawat ko si Brix at Heet dito habang sila ay nagsusuntukan. Oh my god!
Nasapo ko na lang ang noo, what a scene!
"What--asdfghjkl213#$%%#28"
"Kung ako sayo ikakain ko na lang yan." tsaka siya humagalpak ng tawa nang makita ang reaksyon ko.
Argh! Wala akong ibang nagawa kundi kainin ang sinubo niyang doughnut.
"Gosh! Ano ba kasing ginagawa niyo dun kagabi?"
Ngumuso siya. "Why? Buti nga nandoon kami eh, tignan niyo nga ang nangyari sa inyo." umismid lang ako.
Nakita kong may sinagot na facetime si Heet, ang ipinagtaka ko lang ay bakit kailangan pa niya akong isama sa camera?!
"Hi bakla!" nanlaki ang mata ko ng makita ang namimilog na mata ni Mich.
"May pangalan ako Heet! Mich! Mich ang pangalan ko! Arghhh!" bakas ang frustration sa mukha ni Mich samantalang tawa lang ng tawa ang kasama ko.
"Oh! Hi Kris!"
Hilaw akong ngumiti. "Anyways, magkasama na rin naman kayo sasabihin ko na lang din."
Masama ang tingin kong inagaw kay Heet ang phone, masyado siyang malikot! Abala kasi sa pagkain.
"Gusto kang mameet ni fafa Zach!" pumapalakpak pang aniya.
"Ano? Bakit siya lang?" bahagya kong siniko si Heet nang nagsalita na naman habang ngumunguya.
"Oh nandyan ka pa pala? K. gusto kayong mameet ni fafa Zach to personally thanked you kasi ang bilis ng production ng magazines due to high demands, gosh! I'm so proud of you guys! Job well done!" binigyan niya kami ng napakagandang ngiti kaya hindi ko na rin maiwasang mangiti.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...