Kristel's POV
Life is really something you should spend with positivity and courage.. You don't know when misfortune comes, a strong foundation of dreams and bravery is needed to survive. We don't know when will dark days come, but one thing is for sure, it will come.. and your love for the people around you will give you the spirit to fight despite of all the pessimism around.
"Balik tayo ng Magic Island! Gusto ko ulit magdive!" nandito na kami ngayon sa bangka patungong crocodile island. We just left the magic island which was the second stop for our island hopping and everyone keeps on praising its beauty.
Una naming pinuntahan ang crystal cove island na pinuno ang camera ni Brix. The whole island is just so fascinating! Sobrang ganda na halos lahat ay pwedeng maging pictorial spot. Especially the cave, the floor is the sea mixed with different shades of color blue making it more aesthetic.
"Parang gusto kong bumalik sa crystal cove, nakita ko yung soulmate ni baby Sheryl!"
"Alam mo ikaw, tangina ka!" mabilis akong kumapit sa bangka nang magsimulang maggantilan si Hades at Sheryl. Isang maling galaw nila ay mahuhulog sila. Napailing na lamang ako, hindi na yata matatapos pa ang asaran nila.
"Excuse me! At least cute ang mga paniki, hindi tulad mo!" irap niya.
"Seryoso ka diyan? Cute ang paniki?" natawa na din ako. "Oo, pakialam mo!" busangot na naupo sa tabi ko si Sheryl. "Bwiset! Humanda talaga sakin 'yan mamaya." tinignan ko siya.
"Naglalambing lang 'yan." nakangiwi niya akong nilingon. "Eww bestfriend! Kilabutan ka nga!" muli akong tumawa. Naiintindihan ko kung bakit aliw na aliw sila laging bwisitin si Sheryl, siya kasi yung tipong maganda panoorin ang reaksyon, mukha lang siyang pikon pero hindi naman talaga napipikon.
"Speaking of.... may mga buwaya ba sa crocodile island?" tanong niya na narinig ng lahat. Umawang ang labi ko ng ilang segundo bago muling naglapat at napahinga ng malalim. Walang sino man ang nangahas na magsalita at tanging ang tunog ng alon at bangka lamang ang maririnig.
"Seriously?" si Brix. Sinimangutan siya ng kaibigan. "Nagtatanong lang, e!"
"Gosh, bitch! Kaya nga Crocodile Island!" hindi matigil ang paghagalpak ng tawa ng lahat matapos iyon sabihin ni Saffina. Parang isang pagputok ng lobo at lumabas lahat ng tawang kanina pa pinipigilan.
"Bwiset talaga! Argh!" inirapan niya kami at sa bangkero bumaling. Ngumiti iyon. "Mayroon hong mga buwaya roon, ma'am. Pero nakakulong naman ho at binabantayan.." tumango tango si Sheryl bago kami muling inirapan.
Ilang minuto pa ang lumipas at tanaw na namin ang kagandahan ng susunod na titigilan. Ang sabi ay dito rin daw kami magsnorkeling.
"Oh my gosh! Look! Hugis crocodile!" ang isla ay mistulang higanteng buwaya dahil sa hugis nito, kaya naman pala. Pagkadaong ng barko ay sabik kaming bumaba, inalalayan naman kami ng mga lalaki.
The sand is not disappointing, maputi at pino dahilan para hindi na ako mag-abala pang magsuot ng sapin sa paa.
Naglibot libot pa kami at kumuha rin ng litrato lalo na noong binisita ang mga buwaya kung saan nagtakutan na naman ang mga kaibigan ko. Nang mapagod ay sa bandang dalampasigan kami nagtagal. All of us are enchanted with the scenery, the light blue color of the saltwater til it become darker as the seabed deepens, roughly embrace the shore filled with various of sea ornaments.
"Let's take a picture, oh my gosh you look funny!" Kumuha ako ng isang dakot ng buhangin at inilagay sa pinakahuling parte ng katawan ni Brix na nakikita, sinamaan niya ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...