11

63 7 1
                                    

Sheryl's POV

"Huh? sino naman?" kunot noong tanong ko kay Joy nang naagaw niya ang atensyon ko. Nakaupo kasi ako sa isang sofa dito sa staff lounge pagkatapos ng endorsement. Umupo ako ng maayos para mapakinggan ng mabuti ang sinasabi niya.

Inubos muna ni Joy ang tubig na kinuha niya sa dispenser bago lumilingang inilapag iyon sa lamesa. Dalawa lang kaming nandito, nagreready na para mag-out. "Si ma'am Jinda." sabi niya at lumapit sa akin lalo.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Sabi niya kasi mukhang kilala na daw niya 'yong laging nangunguha ng panyo ko. "Huy masama 'yan ha, 'wag kang namimintang." Pinandilatan ko siya ng mata.

Ngumiwi lang siya. "Hindi naman sa namimintang. Kumbaga sa imbestigasyon, merong mga 'suspect' , ganoon. Eh kasi, diba nga mainit ang dugo nun sayo?" napaisip ako pero hindi na nakasagot dahil sa padabog na pagbukas ng pinto. Iniluwal nito si ma'am Jinda na nakasimangot.

Hindi ko naiwasang mapalunok. Naramdaman ko namang siniko ako ni Joy, leche huwag niyo sabihing narinig niya 'yun!?

"Naistorbo ko ba kayo?" nakataas ang kilay niyang tanong. "Syempre naman hindi ma'am!" maligayang sagot ni Joy, halatang kabado rin tulad ko.

Pumamewang siya. "Pwes kami naistorbo niyo! Aba'y out na kayo diba? Kanina ka pa sinusundo ng boypren mong DOKTOR Sheryl, nagaantay doon." Nakangiwi niyang sabi. Gulat ko naman siyang tiningnan. Single ako ngayon, a?

"Po? Wala po akong boyfriend ma'am." Agap ko. Inirapan niya lang ako, hindi naniniwala.

"Tsk! Hindi na makapagtrabaho ng maayos ang mga duty ngayon kakatingin sa kanya! Puntahan mo na doon at nang makaalis na!" inis niyang sabi tyaka malakas na sinara ang pinto. Napakislot kami ni Joy dahil doon.

Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Kumurap kurap naman ako at ipinakita ang dalawang palad sa kanya. "Wala talaga akong boyfriend, Joy.. Promise, cross my heart!" Ngumiwi siya na para bang hindi naniniwala at sinimulang ayusin ang mga gamit niya.

"Wala naman talaga Joy! Halika samahan mo pa ako nang makita mo." Paglalambing ko dahil alam kong nagtatampo na siya dahil hindi ako nagsasabi. Tyaka wala din naman akong sasabihin, e!

Ngumuso siya. "Baka naman kasi kayo na ni Doc Francis? Hindi mo lang sinasabi sa akin." Tumawa ako. Iyon naman pala ang ipinagpuputok ng butsi niya eh!

"Wala pa ngang isang buwan simula nung nanligaw siya! Ang OA mo talaga." Si Francis yung nanliligaw sa akin, last last week lang naging official simula nung tinanong niya ako kung pwede ba siyang manligaw. College friend ko siya dati, hindi naman kami gaanong close noon kaya nagulat ako nung nagconfess siya. Isa pa, mabuting tao naman si Francis. Bukod sa pagiging cum laude niya, gwapo at masaya siyang kasama. Talagang hindi ka mabobored kasi hindi siya nauubusan ng paguusapan.

"Speaking of Francis... baka naman siya yung nandoon?!" ideya ni Joy. Namilog ang mata ko. Hindi nga kaya? Muli kong naalala na hindi ko nga pala dala yung kotse ko dahil siya ang sumundo sa akin sa condo. Nagkatinginan kami at agad nagkaintindihan.

Madali ko na ring iniligpit ang mga gamit ko at nag ayos ng mukha. Nakakahiya naman kung pag-antayin ko siya doon, diba? Tsaka malayo ang building nila sa amin. Sa Ophthalmology pa siya nanggaling dahil nga doktor siya sa mga mata. Mas busy siya kumpara sa akin na nurse. Sabay kaming lumabas ni Joy at nagpaalam na rin sa ibang nurses na nandoon. Kinawayan nila ako kaya kinawayan ko rin sila, maliban kay ma'am Jinda na ngumiwi pa.

"Siya yata 'yon, Sher.." nginuso sa akin ni Joy ang isang lalaking nakalabcoat at kausap ng nurse na nasa nurse station. Hindi ko gaanong makita dahil natatakpan siya ng likod ni ma'am Grace.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon