40

28 2 3
                                    


Kristel's POV

The heat of the afternoon sun lingered throughout my skin and the fine sand tickles my bare feet. I raised my forehead and saw a jaw-dropping beauty of the nimbus sunset.

Nakasilong kaming lahat sa isang tent, matapos ang shoot sa rooftop ng isang building kung saan maipapakita ang ganda ng santorini blue domes ay tumungo na kami sa setting ng ipapatayong billboard.

I'm already wearing SCE's masterpiece beneath my robe. Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko si Heet na kinakausap ni Mich at inaayusan ng make up artist.

"Kristel, come." tumango ako kay Sarah, bago kami kuhanang sabay sabay ay magsasagawa muna ng single shots para sa brochure.

Iginaya nila ako sa isang parte ng rock formation. "Careful.." hinawakan ako ng isang staff upang alalayan dahil isang maling galaw ko lang nasisiguro kong tatagos sa katawan ko 'tong mga bato sa sobrang tulis!

Nakahinga ako ng maluwag nang marating ko na ang pupwestuhan, isa ito sa pinakamalaking bato, compared to the other position, this part has the best lighting and aesthetic view of the sea and a great horizon between the ravishing beauty of heaven and mirror-like water.

Nagstart na ang photographer katabi ang videographer, tulad nga ng sinabi ni Mich kanina, i-fifilm ang buong photoshoot para sa trailer ng bagong models ng SCE.

I pointed my right foot to have a better vista of my hips and butt. Ang aking kanang kamay ay inilagay ko sa buhok at bahagyang itinulak paitaas. Ang kaliwa naman ay inihawak ko sa kaliwang pisngi.

Chin up, breast out, stomach in and fierce mode, in just a matter of minutes I got the best shot in no time.

"Stunning as ever!" palakpak ng organizer na nakadungaw mula sa dalampasigan. Nangiti ako habang bumababa.

Binigyan ako ng tubig ng isang staff.

"Clavyna your turn!"

Palihim kong hinanap si Heet at halos magkumahog ang tibok ng aking puso sa matalim niyang mga mata. Those pair of alluring eyes bringing chills over my body, I can't help but to gasped the way he look at me.... possessiveness is entangled bombarding my whole senses.

Pinilit kong ilihis ang paningin kay Clavyna. Pakiramdam ko kasi natutunaw ako sa titig niya. Kasalukuyang nakapuwesto sa bahagyang nakahigang coconut tree si Clavyna at kinukuhanan ng camera man.

Her body is slightly arched while her long beautiful legs are in crossed position, nakataas din ang mga kamay niya at marahang nakahawak sa puno.

Kinagat ko ang labi, she looks seductive. Hindi ko na ipagtataka kung tinitignan siya ngayon ni Heet. Mapait akong yumuko.

"Faime..." bahagyag umangat ang balikat ko nang makaramdam ng marahang yakap mula sa likod.

"H-heet..." hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung anong nakabara sa lalamunan at nag init ang gilid ng mga mata ko.

"A-akala ko hindi mo na ako papansinin.." mahinang usal ko, sapat na para siya lamang ang makarinig.

"What?" lumuwag ang yakap niya at kunot noo akong hinarap. "Hindi mo ako pinapansin kanina pa, so I thought you regret what happened earlier, that much.." naglapat ang labi ko.

I heard him chuckle. "I said sorry but that doesn't mean I regret, miss Faime.." bulong niya habang nakapatong ang baba sa balikat ko at mahigpit ang yakap sa bewang ko. Mukha tuloy kaming bagong ligo dahil naka roba pa. Nag init ang pisngi ko, kung ano ano na namang pumapasok sa utak ko!

"You're so beautiful miss Faime, nagseselos ako sa mga matang nakatingin sa'yo kanina." pagmamaktol niya. Natahimik ako, sa pagkakataong ito hindi ko na talaga maitatanggi!

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon