Avila's POV
"Wowww!! this is cool mommy!" dikit na dikit ang mukha ng anak ko sa salamin kung saan makikita ang mga eroplano na papaalis.
"Are we going to ride there? Mommy?" nakangiti akong tumango at kitang kita ko ang pagkislap ng mata ng aking anak. "Is it safe?" mamaya pa ay tanong niya habang titig pa rin sa mga 'yon.
"Yes it is, daddy won't put you in danger." si Theon na nasa tabi ko na pala.
"Aren't you getting tired of standing?" tukoy niya sa matagal ko nang pagtayo dito sa gilid ni Zeon. Natatakot kasi akong mawala siya sa paningin ko, alam ko namang imposible 'yon dito sa loob ng airport pero hindi ko kasi maiwasan.
Hindi ako sumagot kaya naman bumuntong hininga siya. "Fine, take your seat and I'll be the one to watch him over." I pursed my lips.
"Zalair." tawag niya sa madilim na tono.
"O-okay.." nasabi ko na lang tsaka lumapit sa mga upuan. Inaantay na lang namin ang announcement para sa boarding ng eroplano, at eto naman ang anak ko na sabik na sabik sumakay. Napangiti ako, ito pa lang kasi ang unang beses niya kaya hindi ko siya masisisi.
Iginala ko ang paningin, maraming mga tao na may iba't ibang lahi ang nag aantay din tulad namin. May kumpol ng mga flight attendant na nagtatawanan habang hila hila ang kanilang maleta. May mga bata rin na tulad ni Zeon ay sabik sa pagsakay.. Nahagip din ng paningin ko ang isang pamilya na halata sa mukha ang saya. Malungkot akong yumuko. I miss my mama..
Tinignan ko ang mag ama ko. Kasalukuyan nang buhat buhat ni Theon ang anak sa kanyang balikat.
"Look! The plane is landing!" tinuro niya ang eroplano habang nakasabunot sa buhok ni Theon na magulo na, samantalang kanina ay nakagel pa yata.
"Where? I can't see anything?" pag mamaang maangan ni Theon. Napailing na lang ako sa inakto ng dalawa.
Nang makaramdam ng kiliti ay tumayo ako at tumungo sa comfort room ng airport.
Kasalukuyan na akong naghuhugas ng kamay sa washroom nang mahagip ko si Theon kaya mabilis akong lumabas.
"Si Zeon?" iyan agad ang una kong tanong. Unti unti akong binalot ng kaba gawa ng hindi agad pagsagot ni Theon. Nasaan si Zeon? Bakit hindi niya kasama? Sigurado akong magkasama sila bago ako umalis!
"He followed you, I thought you saw it..."
"What?!" nanlaki ang mata ko! Sinundan ako ng anak ko?!
"He told me he wants to pee. I'm about to accompany him but he refused and said he'll go with you." kaagad na nag init ang sulok ng mata ko sa narinig. No! Abot tahip na ang aking kaba at nagsimula nang umalis sa kinatatayuan para hanapin siya. Ang bilis ng pangyayari, kanina lang magkakasama kami ngayon hiwa hiwalay na?
"Zalair wait!" Hindi ko siya pinansin. Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko! I should have not left them!
"This place is too big, we can ask their permission to check the CCTVs." natigilan ako. Mabuti pa nga. Alam ko namang mahigpit ang seguridad dito pero hindi ko maiwasang mataranta.
"L-let's go.." nanginig ang boses ko.
"Hush... hush.. we'll find him." isang beses niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko bago pinaglandas ang palad sa kamay ko. Hindi ko akalaing mapapangiti pa ako sa ganitong sitwasyon.
Malandi ka Avila!
Malalaki ang hakbang namin patungo sa information desk pero hindi pa kami nakakarating ay halos tumalon na ang puso ko sa nakita.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...