Heet's POV
Nakangiti kong pinagmamasdan ang obra maestra ko. "TADAA!! tignan mo miss Faime, ang galing ko.""Oh? Buo pa rin yung vase?" nakataas ang kilay niya kaya sinimangutan ko lang.
"Syempre nasalo ko bago bumagsak!" bigla na lang kasing may lumipad na vase kanina ewan ko ba kung paano pero pakiramdam ko amazona yung piloto eh.
Inayos ko ulit yung mga flowers sa vase at ibinalik sa dating pwesto. Kagat labi ko pang hinihimas ang makinis kong ceramic vase.
Mabuti na lang at magaling na catcher ang bumili sayo.....hihihi
Sabi kasi ni mom dati, kapag nawala na siya palagi kaming maglagay ng bulaklak sa kwarto, para daw para na rin namin siyang kasama. Malungkot akong bumuntong hininga, my mother loves flowers.."Iuuwi na ba kita?" baling ko kay miss Faime.
"Pwede bang dumaan muna tayo sa condo ni Sher? 4:45 pa lang naman eh.." ngumuso siya na minsan lang niyang ginagawa.
Cute..
"Come here." isinenyas ko ang daliri, taka naman siyang lumapit. Agad ko siyang niyakap mula sa likod at ipinatong ang baba sa kanyang balikat, I love doing this with her.
Pareho kaming naka tingin sa labas. Glass wall ang isang bahagi dito sa kwarto ko tulad sa sala, at kitang kita kung gaano kataas ang unit ko.
"Ang ganda diba?" nakangiti siyang tumango. We spend few more minutes in that position until we decided to go.
PININDOT ni miss Faime ang doorbell, wala pang isang segundo ay agad na 'yong bumukas.Tama 'yan hindi dapat pinaghihintay ang gwapo...
"Lyka?" nagtaka ako, sino 'yan? Hindi yata nasabi sa akin ni Sher na may kasama na siya sa condo niya.
"Ahh--eh... ma'am!"
"Nasan si Sher?" si Kris.
Napansin ko ang paulit ulit na paglunok ng babae. Pinagkiskis din niya ang palad na para bang balisang balisa. "What's wrong?" lumapit na ako sa kanila at pumamulsa. Akala ko dahil lang sa naiintimidate siya kay miss Faime pero napansin kong hindi naman 'yon ang dahilan.
"Kasi ma'am.... sabi niya nandito na daw siya ng mga alas singko pero wala pa rin po, e...." sinipat ko ang relos, 5:35 pm na.
"Saan daw ba siya galing?" tulad ko ay nagtataka na rin si miss Faime.
"P-pumunta silang mall ma'am kasama ni Xena...pero kanina pa po yun bago magtanghali...."
My sister? Kasama niya si Xena?
"Wait, I'll call my sister." usal ko at hinugot ang cutie phone sa bulsa.
Tatlong ring lang ay sinagot na niya agad 'yon.
"Hi kuya!" bungad niya.
"Xena, kasama mo ba si Sheryl?" saglit na natahimik ang linya. Parehong nakatingin sa akin sila miss Faime, nagaantay.
"Uhm kanina kuya... nag mall kami. Pero kanina pa kami naghiwalay eh, sinundo ako ni manong Dencio kasi may kikitain pa daw si ate." kumunot ang noo ko.
"Sino daw ang kikitain?" sinulyapan ko si miss Faime na salubong na ang kilay sa narinig.
"I don't know kuya.. boyfriend daw niya eh." agad kong pinatay ang telepono.
"Faime, sinong boyfriend ni Sheryl?" I saw her shocked reaction due to my sudden question.
"B-bakit mo natanong?" pinasadahan ko ng daliri ang buhok, I think I know the answer.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...