29

37 6 0
                                    

Kristel's POV

Naging mabilis ang pangyayari, agad na nagpambuno si Gnade at Heet. Taranta kong binitawan ang baril at nilapitan sila.

"Stop it! Ano ba!" pilit ko silang hinaharangan, argh! Kung hindi pa kayo titigil ihahagis ko sainyo ang takong ko!

I grabbed Heet's arm and thankfully he stopped.

"Bitawan mo 'ko Faime! This is kidnapping!" nanlilisik ang mata niya kaya naman kinabahan ako.

Umalingaw-ngaw ang tawa ni Gnade, hindi makapaniwalang tawa. "Ako pa ngayon? I'm trying to protect your girlfriend bro, hindi mo kasi binabantayan." lalong nagpumiglas si Heet sa narinig.

"Who the hell are you?!" sasabihin ko na sana na si Gnade ang nasa harap namin but I saw a familiar action.

Morse code.

He tapped his shoe on the floor, his way of speaking with me.. this is no ordinary, he's using a damn morse code and I know he knows that I knew how to use this.

Pinakinggan kong mabuti ang pag-tap ng sapatos niya sa sahig.

DAH DIT DIT..

DAH DAH DAH..

DAH DIT..

DAH..

From the last tap basically sound like 'DAH', symbolize dash. While 'DIT' symbolize dot.

Every letter in the alphabet has its own pattern, at ang nabuong salita sa isip ko ay..

D

O

N

T

Don't? do not?

I knew it! Napansin niya siguro ang balak ko kanina kaya inunahan na niya ako.

I don't think Heet recognized his voice, ipit kasi dahil sa mask.

Pero bakit kailangang itago ang pagkatao niya?

"Fine, kung hindi ako ang gagawa.. ikaw." bahagyang kumalma si Heet nang mapagtantong hindi naman kami sasaktan ng kaharap.

"Alisin mo si Kris dito pero 'wag mo siyang iuwi sa bahay nila, pati sa condo niya. Just.... bring her somewhere safe from threats." Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ni Heet, "And why would I do that?"

"Because I said so." mariing sagot ni Gnade.

Namilog ang mata ko nang may panibagong apat na lalaki sa likuran ni Gnade.

"The clock is ticking, just do it! Ako na ang bahala dito, take care of Kris." Hindi gumalaw si Heet kahit na nagsimula nang umaksyon ang apat. I still can't understand, what is happening? Bakit nila ako kinukuha? Is this about my father's case again?! Pero bakit si Gnade?

Kahit lito ay hinila ko ang coat ni Heet. "Let's go, ako ang target nila.." nagtiim pa ang bagang niya bago ako hinila palabas. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ni Heet pero tingin ko ay may plano na siya, derederetso ang takbo namin, bahagya lang bumagal nang makarating kami sa lobby.

Mahigpit ang hawak ni Heet sa pulsuhan ko, malalaki din ang hakbang niya at seryoso ang mga mata.

"I can drive, hindi ka pwedeng umalis sa party, Heet." sabi ko nang aktong sasakay na ako sa passenger's seat.

"No, sumakay ka na Faime." hindi na ako nakipagtalo pa at baka maabutan kami ng mga lalaking hindi ko alam kung saan ba nanggaling.

He drove fast, really fast and in just few minutes we reached our destination...his condo?

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon