44

43 1 3
                                    

Kristel's POV

"Napakadami namang langgam dito.." ngumisi lang ako kay Esteia na hindi man lang napapagod na tuksuhin ako.

I gently placed the bouquet of roses in my arms, slightly sniffing its scent.

'I like the smell but I love his scent.'


Napakagat labi ako sa naisip.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.. It's been a week since we became official. At sa isang linggong 'yon ay wala siyang ibang pinaramdam kundi pagmamahal. Kung noon pa lang ay maalaga na siya, ano pa ngayon?

Wala namang gaanong nagbago, kung ano ang pakikitungo namin dati ay ganoon din ngayon. The only difference now is that we have the 'rights' and 'label.' Hindi na rin pumapasok sa isip ko na pagpapanggap lang ang lahat. I wish everything will remain like this... forever

Mabilis lumakad ang oras at walang minuto na hindi ko sinulyapan ang mga bulaklak na ipinadala ng boyfriend ko. My 'real' boyfriend to be exact.

Hindi ko akalaing mahuhulog ako ng ganito kabilis, nagkibit balikat na lang ako. Si Gnade nga nahulog sa iba habang kami pa.

"Hi miss, you're so beautiful. Can I be your boyfriend?" tumaas ang kilay ko sa isang estrangherong nakatingin sa akin, nagaantay ng sagot.

"Sorry, I'm taken." ngumuso siya.

"Who's this lucky guy then?" napailing na lang ako.

"I forgot his name." masama na ang tingin sa akin ng estranghero na tinawanan ko lang.

"Get inside. I'm gonna lock you out inside my room so you won't meet your boyfriend." padabog niyang binuksan ang frontseat habang matalim pa rin ang mga mata. Hindi ko naman maiwasang matawa habang nilalagay ang bulaklak sa likuran, kailangan ko na yatang masanay. Simula nang maging kami, pakiramdam ko nag aalaga na ako ng baby.

"Hey stranger, can we grab some food first before you lock me inside your room so I won't meet my boyfriend?"

I'm sure he won't restrain this one, hindi kakayanin ng katakawan niya.

"Sure!" bigla na lang lumiwanag ang mukha niya at mukhang nag iisip na ng oorderin.

Nakataas ang kilay ko siyang pinapanood magdrive. Kahit anong ngiti pa, hindi maitatago ang mga eyebags niya.

Nitong mga nakaraang araw pansin ko na palagi siyang pagod, mukhang hindi niya naaalagaan ang sarili.

"Heet?"

"Hmm?"

"You look stressed."

Hindi siya sumagot at nanatili lamang ang tingin sa daan. "You don't have to fetch me, dapat umuwi ka na lang para magpahinga."

"But I want to drive you home." nakanguso kong inilagay ang ang kamay sa hita niya, ano kaya ang iniisip niya? He really looks problematic and it's making me deeply worried.

"Not there babe, I'm a virgin." nanlaki ang mata ko at malakas siyang hinampas. "Damn you." umalingawngaw ang malakas na tawa niya, argh!

This psychopath never missed annoying the hell out of me!

Mahigit isang oras pa bago niya itinigil ang sasakyan. Taka ko namang tinignan ang paligid dahil mga puno lang ang nakikita ko.

"Nasaan tayo? Papakainin mo ba ako ng dahon?" tumawa ulit siya bago tinanggal ang seatbelt niya.

He leaned forward and pulled my seat belt off too but before he could ever do his favorite I immediately covered his goofy mouth. He ducked his brows down, frowning at me.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon