57

9 0 0
                                    


Avila's POV

Pinunasan ko ang maliliit na butil ng pawis sa noo. Sinuyod ng aking paningin ang aming apartment na lilisanin.. napabuntong hininga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa naming umalis.

"Anak.." nginitian ko si papa. "Tapos na kayo, pa?" tumango ito. Mabuti kung ganoon. Kanina pa kaming umaga at inabot na ng hapon sa pagiimpake at pag-aayos ng mga gamit.

"Talaga bang kailangan niyo pa akong isama? Ayos lang naman ako dito--" umiling ako. "Pa!" ayan na naman siya, e.

"Hindi naman po namin kasama si Theon, talagang gusto niya tayong dalhin doon dahil gusto daw niya ng mas ligtas na environment para sa anak niya." paliwanag ko. Ang totoo, nagulat rin ako nang sabihin niyang kailangan naming lumipat. Siguro kung kami pa ang namumuno sa kumpanya ay maiintindihan ko.. pero hindi na. Wala akong nakikitang rason para magmistulan kaming nasa panganib at hinahabol ng masasamang tao. Wala na silang makukuha pa sa amin, wala na..

Ang sabi ni Theon, nais niya kaming lumipat dahil gusto niya ng magandang environment para sa anak, tumanggi ako, oo, pero siya si Theon. Hindi siya titigil hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Wala namang kaso sa akin kung lumipat man kami dahil hindi ko rin maitatanggi na ganoon din ang nais ko sa aking anak. Hindi ganitong klaseng lugar ang gusto kong kalakihan niya.. Kaya kung sa ikabubuti naman ni Zeon, ay papayag na lang ako. Medyo nakakalungkot nga lang na mapapalayo kami kay Sasha. Paano na lang din ang trabaho ko? Tiyak na mahihirapan ako sa transportasyon.. dagdag gastos din 'yon.. Napabuntong hininga ako.

"Mommy! Can I bring my toys?" yumakap sa akin si Zeon habang tinatanong 'yon. Nangingiti ako, para namang makakatanggi pa ako sa itsura niyang 'yan? May halong pagpapacute kapag nagpapaalam!

"Sure baby.." I kissed him on the cheeks. Ngiting ngiti naman itong nagtatatalon na para bang sobrang dali kong napapayag sa isang simpleng dahilan.

Hindi na nagtagal pa ay dumating na rin si Theon, nagtulungan sila ni papa sa pagbubuhat ng mga gamit patungo sa kanyang kotse. Halos wala na talagang natira sa apartment namin maliban na lang sa mga lamesa at upuan, syempre. Kung isasakay pa 'yon sa sasakyan niya ay kami naman ang walang uupuan.

Dahil tambak na rin nga ng mga gamit sa backseat ay kinandong ko na lamang ang anak, si papa sa likod.

"Let's go?" tanong ni Theon nang nakaupo na kami sa loob ng sasakyan. Inalala ko kung may naiwan pa ba ako pero wala na akong matandaan pa. Tumango ako, ngumiti naman siya.

Napalunok na lamang ako at umiwas ng tingin. Simula nong nangyari sa Boracay ay palagi na siyang ngumingiti sa akin, maya't maya na rin ang tawa niya. Nawiwiwirduhan man ako ay hindi ko maitatangging gusto ko 'yon. Gustong gusto ko ang tanawin ng kanyang nakakurbang labi..

"Is it okay if we'll eat fastfood for dinner?" medyo mahina niyang tanong. Tumango lamang ako pero mukhang si papa ang tinatanong niya.

Tumawa si papa. "Anything is fine with me, hijo. Kahit sa karinderya pa." ngiti nito.

Nakita kong pamulahan ng pisngi si Theon, napayuko tuloy ako tsaka lihim na ngumiti. Hindi siguro siya sanay na ganyan si papa. Alam niyang mula pagkabata ay hindi nakaramdam ng hirap ang aking ama. Pero siguro ganoon nga talaga.. nagbabago ang panahon..

"I'm gonna miss aling Delia's dishes!" malungkot na tumingin sa akin si Zeon, ginulo ko ang buhok niya.

"Who's aling Delia?" kuryosong ani Theon. "She's a cook, I love the foods in her karan-kanadir.... karandanirya!" napuno ng malalakas na halakhak ang kotse ni Theon. Napakacute naman ng anak ko!

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon