35

42 6 4
                                    

Kristel's POV

Tahimik kami buong byahe. Nakaupo ako sa backseat habang si Heet naman sa front seat. Nakadantay lang ang siko niya sa bintana at pinagmamasdan ang makulimlim na kalangitan. Si Mith ang nagdradrive at kanina pa niya nililingon si Heet.

Tumigil ang kotse, akala ko nandito na kami pero pumasok lang si Heet sa backseat para harapin ako.

"Miss Faime..." usal niya.

"Y-you need to wear this.." kumunot ang noo ko sa hawak niyang blindfold.

"What? Bakit ako gagamit niyan? Akala ko ba ipapakita mo sa akin?" he sighed. "Tatanggalin ko rin kapag nakarating na tayo." hindi ko maintindihan, why do I have to wear such thing?

Sa huli ay napilitan din akong isuot, hindi ko alam kung ano bang trip nitong si Heet pero hindi na lang ako nagmatigas pa.

"Malapit na ba tayo?" usal ko, nakasuot na ako ng blindfold habang nasa kotse.

"Yeah.."

Ilang minuto pa ay tuluyan nang tumigil ang kotse. Heet accompanied me as I walk, kamuntikan pa akong matapilok dahil sa bato!

"Fvck! Anong klase taga-alalay ka ba?!" singhal ko pero tumawa lang siya.

Pinakiramdaman ko ang paligid, hindi ko naman kasi nakikita. Mabagal kaming naglakad at nararamdaman ko, madaming tao. Tahimik lang at ang tanging naririnig ko ay ang tunog ng takong ko. I'm amaze how they carry their weight, maski si Heet at Mith hindi ko marinig ang yabag, pati ang mga taong nakapaligid na alam kong pinagtitinginan kami.

I'm dying to remove this thing in my eyes!

Malamig ang paligid, malamang dahil sa aircon. Tumigil kami at kasunod non ang paglapat ng malamig na metal sa sintido ko. Napaawang ang labi ko, what the hell?!

"Pull it."

"What the fvck?!" bulalas ko sa sinabi ni Heet. Hindi sila umimik hanggang sa naramdaman ko ang unti unting pagbaba non. Ang tahimik, pakiramdam ko may tensyon sa pagitan ni Heet at ng taong gumawa non, no----may tensyon ang buong paligid, hindi lang sa kanila.

Hinawakan ni Heet ang bewang ko at iginaya ulit ako sa daanang hindi ko naman nakikita.


May narinig akong parang tunog ng scanning machine, sobrang daming namumuong tanong sa utak ko pero isinantabi ko 'yon at hindi na lang kumibo.

Muli kaming naglakad at pakiramdam ko napakadami naming pinasukan at dinaanan.

Naramdaman ko ang sariling nanigas nang sunod sunod na kasa ang pumainlang sa pandinig ko. At hindi ako tanga para hindi maramdamang sa akin nakatutok 'yon.

Bahagya kong pinisil ang kamay ni Heet, subukan niyang sabihing 'pull it' at makakatikim siya sakin!

"You're pointing your gun on the queen, are you sure with that?" tila nagambala ang mga 'yon sa sinabi ni Mith at ibinaba.

"Queen?" rinig kong boses ng isang lalaki. Anong queen? Ako ba ang tinutukoy niya? Me?

"She's beautiful.." isang kasa ng baril ang narinig ko at base sa paggalaw ng katawan ni Heet, nararamdaman kong siya 'yon.

I heard the same unfamiliar voice chuckled. "Woah, I'm just complementing!"

"Bring me to Zaldia." I felt my blood boil after hearing that name. Who's that Zaldia?! I'm starting to feel annoyed!

We walked again, if I'm not mistaken we rode an elevator, what's suspicious is the elevator's motion. Pababa siya.. Sa pagkakatanda ko hindi kami sumakay ng elevator pataas kanina, ibigsabihin ba underground to?

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon