Sheryl's POV
"Layuan mo ako Saffina tatadyakan talaga kita!" malakas na tawa ang isinagot niya sa akin samantalang ako nakabusangot na. Hindi ako bitter sa kanila ni Jake pero sadyang mapang asar lang siya!
"What? Ayaw mo ba ng proposal ko?" tawa pa niya. Proposal your face!
"So loud, girls." si attorney Kris. Hindi ko pinansin ang pang dedemonyo sa akin ni Saff at mabilis naglakad papunta sa direksyon ng matino kong kaibigan.
"Kris! Ilayo mo ako kay Saffina." sumbong ko habang naririnig pa ang evil laugh niya sa likod ko.
Dismayado akong bumitaw sa pagkakakawit sa braso ni bff dahil hindi man lang ako nito tinapunan nang tingin at ipinagpatuloy ang seryosong pakikipagusap kay Brix. Naningkit ang mata ko, sumbong ko nga sila kay kuya. Charot!
"Floriselle, tama na yan. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao, oh!" ako naman ngayon ang humalakhak sa naging sentimento ni Jake. Ano ano?
Iginala ko ang paningin at napayuko na lang nang mapagtantong pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Kabababa lang namin sa eroplano byaheng Caticlan at walang ginawa si Saffina kundi asarin ako sa 40 minutes na byahe! Kesyo kawawa naman daw ako at walang boyfriend!
"I'm not doing anything wrong! Pinapaliwanag ko lang naman sa kanya ang proposal ko. I'll find her a boyfriend and their first child should marry our child, Jake." umirap ako nang hindi nakasagot si Jake at mukhang kinilig pa sa narinig. Bwiset!
"Look, I even made a contract! All you have to do is sign!" tumawa si Saffina at iwinagayway ang piraso ng papel na kanina pa niya pinapakita sa akin!
Pinanlakihan ko siya ng mata. That bitch!
"Pwede ba mag apply diyan Saff? Wag ka mag alala shooter naman ako." inis kong binatukan si Hades. Patalon naman siyang umalis sa tabi ko at hinimas himas pa ang batok habang nakangisi. At talagang nakisali pa ang bartender na 'yon?!
"Hm, pwede naman Hades. Single ka ba?" ngayon ay sila naman ang magkausap na animong sasang ayon ako sa pinaggagawa nila!
Kakamot kamot sa batok si Jake na lumapit sa akin. Siya na ngayon ang katabi kong naglalakad habang nasa unahan namin si Kris at Brix na naguusap pa rin, sa likod naman ang dalawang may sira sa utak.
"Napainom mo ba 'yan ng gamot, Jake?" humalukipkip ako.
"Walang lunas yan." tawa niya na mukhang narinig yata ni Saffina.
"I can hear you!" sigaw niya na akala mo nasa kabilang bundok ang kausap!
"Shh!" sita ulit ni Kris, siya yata ang nahihiya para samin hehe.
Papunta kami sa baggage claim para kuhanin ang mga maleta. Isang malaking baggage carousel ang bumungad at nakalagay don ang luggage ng mga pasahero.
"I have good genes." I gritted my teeth and exhaled roughly.
Inis kong hinarap ang dalawa. "Stop that!" tumawa lang sila.
Nilapitan ako ni Saffina. "Are you really sure na ayaw mo pa magboyfriend? Hindi kasi ako sanay na hindi ka nagkwekwento sa akin ng kalandian mo, e. I'm worried you'll end up an old lady." hindi ko alam kung seryoso ba siya sa pinagsasabi niya o inaasar lang ako. Natahimik ako at napaisip.
Tama si Saff, ayoko munang maattach sa kahit sinong lalaki maliban sa mga kaibigan ko syempre. It's just that, I suffered too much and it has given me trauma. Pakiramdam ko sa tuwing may makikilala akong lalaki, may secret agenda sila sakin.
Umiling ako. "You guys are enough."
"Aww, that's sweet." umirap ako ngunit nakangiti naman.
"Sheryl, Saffina, get your luggage here!" si Kris. Tumango kami at nilapitan 'yon. Maaga ang flight namin kaya maaga rin kaming nakarating. Buti nga hindi delayed eh! Palagi pa namang delayed ang mga flight sa Pilipinas! Juicecolored!
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...