09

108 6 1
                                    

Heet's POV

Tahimik kaming pumasok sa loob ng isang restaurant dito sa loob ng building kung saan nagshoot ng cover para sa isang summer outfit magazine. Pagkatapos kasi ng masayang photoshoot ay nangtreat si Mich ng lunch para sa successful first photoshoot na magkasama kami ni miss Faime.

"Dito tayo.." turo ni Mich sa isang five seater table. Nagtaka ako, kahit naman may kalakihan si Mich, eh sobra pa rin ang tatlong upuan para sa kanya.

"Oh? Bakit balak mong umupo sa tatlong upuan?" natatawang sabi ko. Gulat akong nilingon ni miss Faime.

"How dare you talk like that?" bulong niya.

"Ano?" talk like what?

Inirapan lang niya ako. Tch. Hindi ko na lang pinansin at muling bumaling kay Mich.

"Hindi Heet, hindi.. Naka higa akong chichibog." Iritang sagot niya tyaka umupo. Nilingon ko si miss Faime at kita ko ang gulat sa mukha nito, siguro dahil sa asal naming dalawa ni Mich. Bakit, gaano ba sila kapormal magusap at masyado naman yata siyang nagugulat?

Sumunod na umupo si miss Faime sa upuan katapat ng bakanteng upuan na katabi ni Mich. At dahil nga gwapo ako, ako 'ang pinakahuling umupo. "Bakit diyan ka umupo?" tanong ni Mich. "Kasi may upuan dito Mich. Ano bang nangyayare sayo?" umiiling iling na sabi ko. Siniringan lang ako ng bakla.

"Wag diyan, dito ka umupo sa tapat ni Kris, may ibang uupo diyan." Aniya. Umangat ang gilid ng labi ko.

"Sus, ang sabihin mo 'dito ka sa tabi ko' !" sabi ko pa bago tumayo at lumipat ng pwesto. "Ew, kung hindi ka lang gwapo eh!" hindi na lang ako umimik pa. Nilapitan kami ng waiter.

"Good noon ma'am, sir. May I take your order?" sambit niya. Si Mich na ang sumagot tutal treat naman daw niya. Sumandal na lang ako sa upuan at humalukipkip tyaka ipinagkrus ang binti. Pinakikinggan ko ang mga order ni Mich habang nakatingin kay miss Faime na abala sa pag titipa sa phone niya.

"Mich, I want something colour red." Maya maya ay bigkas ni miss Faime bago nagangat ng tingin. Saglit siyang tinitigan ni Mich, bago wala sa sariling tumango tango. Si miss Faime naman ay walang pakialam na bumalik sa pagtipa.

Umusog ako papalapit kay Mich matapos niyang sabihin ang orders. "Bakit?"

"Anong bakit?" taka niyang tanong.

"Yung kay miss Faime, bakit parang nagtataka ka pa kanina sa sinabi niya?" Umirap siya. "Ichuva mo nga sa akin Heet, kalahi na ba kita at kagandang lalaki mo abay napakatsismoso?" Ngumiwi ako at umayos ng pagkakaupo.

"Nagtatanong lang, e." sabi ko pa pero hindi na niya ako pinansin. Bumaling siya kay miss Faime.

"Nasan na sila, Kris?" maayos niyang tanong.

'Bakit pag ako ang kausap napakatalas ng tabas ng dila niya? Bakit pag si miss Faime, napakagalang?!'

"They're on their way." Tumango tango si Mich.

"Okay by the way, saan and paano nga pala kayo nagkakilala?" ngumisi ako.

BWAHAHA ang sabi ni tita yung isa pang hawak ni Mich ang bestfriend ng pinsan ko.. so siya pala ang bestfriend ng pinsan kong si Sheryl? Oo nga naman, halata kaya! Pero hindi ko akalaing bestfriend siya ng pinsan ko. Tingin ko kasi ay tahimik na tao si miss Faime, paano kaya niya natagalan ang madada kong pinsan?

Saglit akong natigilan.

Ibigsabihin, kung bestfriend ni miss Faime si Sheryl.. lagi silang naguusap? Close? At madalas magkasama? Unti unting sumilay ang ngisi sa labi ko. Kunot noo akong tinitigan ni miss Faime. Mukhang mapapadali ang pagbabantay ko kay Sheryl ah.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon