Avila's POV
Alam kong hindi siya sang ayon pero anong gusto niyang gawin ko? Leave them here and let my conscience haunt me? No!
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya agad ko siyang hinarap at pinaikot ang sinturon sa maitim niyang leeg tsaka tinadtad ng suntok sa tyan. Bigla na lang may tumalon sa likuran niya at akmang sisipain ang mukha ko pero naging alerto ako at nakailag. Malakas ko munang binigyan ng tadyak ang lalaki sa maselang parte para masigurong hindi na siya makakalaban pa. Hindi naman ako nagkamali dahil tuluyan na nga siyang napahiga kasabay ng panibagong pagsugod ng dalawa----hindi, apat sila.
Dalawa ang may hawak ng baseball bat habang tanging katawan lang ang puhunan ng dalawa.
Pinalibutan nila ako. "Masyado kang matapang, maganda ka pa naman sana kaso bobo ka." tumawa silang lahat. Sinamaan ko lang sila ng tingin at bahagyang napaatras nang iwasiwas nila ang baseball bat. Masyado silang agresibo.
"Kesa naman sainyo, hindi marunong lumaban ng patas, ganoon na ba kayo kaduwag para gumamit pa ng baseball bat?" Ako naman ngayon ang tumawa na nagpainis sa kanila. Hinagis ng dalawa ang mga baseball bat na hawak at walang ano anong sumugod. I smirked, fool.
Sabay silang sumuntok pero mabilis ang naging galaw ko, yumuko agad ako tsaka sila binigyan ng malakas na suntok pataas sa baba tsaka mahigpit na ibinuhol ang sinturon sa leeg nilang dalawa, parang hindi nila pinagiisipan ang susunod na galaw, basta na lang sugod ng sugod.
Hindi na nagsayang pa ng oras ang dalawa, nagpakawala sila ng mga suntok at sipa pero madali ko iyong nasasalag, patuloy sila sa pagatake hanggang sa makarating kami sa pader, hindi nila namalayan 'yon kaya sa pader tumama ang kamao nila, kinuha ko naman ang pagkakataong 'yon para malakas na sikuhin ang batok dahilan ng pagtulog nila.
Hindi pa man nakakabawi ay isang malakas na hampas ng tubo ang nagpagitla sa akin. Halos dikit na sa tenga ko pero mabuti na lang at sa pader siya tumama! Tingin ko tuloy nag-crack pa yung pader sa lakas non. Hinawakan ko ang balikat niya tapos malakas na tinuhod at hinawakan ang kanyang bisig tsaka pinilipit patalikod, sumigaw siya sa sakit pero hindi ko pinansin 'yon at hinigpitan pa lalo hanggang sa may marinig akong tunog ng pagkabali ng buto at pagkabitaw ng tubo.
Nakita ko si Levi na pinagtutulungan ng anim na kalalakihan, shit!
Masyado siyang abala sa pagpapakawala ng suntok sa apat kaya hindi niya napansin ang isang lalaki na handa na siyang hahampasin ng baseball bat sa ulo!
Kinuha ko ang tubo na hawak ng lalaking pinagbagsak ko at animong dart, inasinta ko ang ulo niya tsaka buong lakas na ibinato.
Napahawak siya sa dumudugong ulo habang napapaluhod. Tumakbo ako at inapakan ang likod niya tsaka buong pwersang tumalon at binigyan ng isang malupitang sipa sa dibdib yung kalbo. Napahiga siya kasabay ng paa kong nasa dib dib pa rin niya, tumalon ako dala dala ang buong bigat tsaka bumagsak ang talampakan sa tyan niya kasabay ng pagbulwak ng dugo sa kanyang bibig.
"Avila!" huli na bago pa ako makaiwas, isang malakas na hampas sa likod ng tuhod ko ang nagpaluhod sakin!Tangina! Pakiramdam ko tumagos sa buto ko yung sakit! Para akong nabingi nang sinundan ito ng malakas na tadyak sa likuran ko dahilan ng tuluyan kong pagdapa sa semento.
"Palaban ka din pala ha!" tiniis ko ang sakit at mabilis na umikot para mahawakan ang paa niyang akmang tatadyak ulit sa akin. Hindi ko na yata kaya pa ng isang tadyak sa parehong parte ng inapakan niya kanina!
Inilagay ko ang kamay sa mga daliri ng paa niya at itinulak ito pabaligtad.
"A-ARAY TIGILAN MO 'YAN!!" syempre hindi ako nakinig at itinuloy ang ginagawa, nang mawala ang sakit sa tuhod ko ay pinilit kong tumayo kaya naman napahiga siya. Hirap man, pinulot kopa rin ang baseball bat tsaka buong pwersang itinukod iyon sa tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...