Sheryl's POV
"San punta bes?" bumaling ako kay Lyka na naghuhugas ng mga kinainan namin kanina. "Kay Saffina lang bes, wala kang pasok?"
"Oo, day off ko ngayon. Mag ingat ka bes." nakangiti akong kumindat at sinamahan pa ng thumbs up.
"Sige bes! Una na ako." mag aabang pa kasi ako ng taxi sa labas dahil hindi ko naman kayang mag maneho ng isang kamay, duh?! mahirap mag commute pero wala akong magagawa. Ang masaklap pa, naabutan ako ng rush hour! Aish!
Mabilis ang lakad ko palabas dahil malamang sa malamang naiinip na si Saffina. Tsaka nagpahanda rin ako ng madaming foods, syempre ako ang bisita, hindi dapat ginugutom. Hehez.
"Where are you going?" matunog na isinara ni Levi ang binabasang libro at nakapamulsang tumayo. Napakurapkurap ako, bakit parang siya pa ang may ari ng condo na 'to? Errr alam mo yung tipong mas strikto pa siya sakin?
Dinaig pa niya si daddy noon ha!
"Pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko DADDY. Bakit po?" sarkastiko kong sabi habang pumamaywang pa.
Kumunot ang noo ko sa naniningkit niyang mga mata, teka nga.... bakit ba ako nagpapaunder dito? Palihim akong suminghap, siguro sinabihan siya ni mommy na bantayan ako?
My eyebrows met when he licked his lower lip. "Daddy... I like it."
Naglakad siya papalapit sa akin at inilahad ang kamay. "Give me your keys, I'll drive you, mommy." nalaglag ang panga ko at pakiramdam ko masusunog na ako sa sobrang pula ng aking pisngi. A-anong sabi niya?! M-mommy?!
"Anong mommy mommy ka diyan?! gago ka!" ngisi lang ang isinagot niya sa akin at hindi man lang ibinaba ang kamay hanggat hindi ko ibinibigay ang gusto niya. Pasiring kong inabot ang susi, ayos na rin para less hassle.
****
"Anong oras kita susunduin?" usal niya matapos hilain ang handbreak. Kinuha ko naman ang bag ko, sa wakas nandito na kami, my gosh!
"Mga alas kwatro, pero kung may gagawin ka naman magpapahatid na lang ako kay Saff." madalas kasi siyang wala sa condo kapag hapon na tapos gabi na siya babalik, minsan pa hindi na umuuwi. I bit my inner cheek, ayoko namang maging abala sa kanya 'no! Malay ko ba kung nakikipagkita siya dun sa babaeng nagbigay ng mga marka sa leeg niya noon.
"No, susunduin kita." tumango lang ako at bumaba na, umalis na rin siya at hindi na ako hinintay na makapasok. Inayos ko ang suot bago akmang mag dodoorbell pero bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal non ang kaibigan ko na may suot pang apron.
"You bitch! Ang tagal tagal mo!" tumatawa lang ako habang sinasalubong siya ng yakap.
"Mabuti na lang late ako nagising, I baked some pastries." nagningning ang mata ko sa narinig. Sana pala inagahan ko! Para may matutunan ako dito kay Saffina, hindi naman kasi ako mahilig magluto ng mga ulam pero kapag mga sweets doon ako interesado.
"Ang laki ng bahay mo Saff, mag isa ka lang naman." kumento ko habang iginagala ang paningin. Her house is showing so much money. Halatang milyon ang ginastos dahil sa modernong estilo nito.
"Of course, tig iisang kwarto ang mga lalaki ko." natawa ako sa sinabi niya. Baka naman kasi sa kanya ako nag mana?
"Ano Jake? narinig mo 'yon?" inilagay ko ang hawak kong cellphone sa tenga at kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni Saff kasabay ng paghablot niya ng cellphone ko.
"Hahahhaha!" napahawak pa ako sa tyan sa sobrang pagtawa nang hindi na maipinta ang namumutla niyang mukha!
"In denial stage pa lang, Saff?" inirapan niya ako. Sabay kaming naglakad papunta sa kusina kung saan amoy na amoy pa ang niluto niya. Bakit ba ang lakas ng pang amoy ko pagdating sa pagkain? Hindi naman ako matakaw, wala yata sa ugali ng mga Dela Raine ang pag 'lamon.'
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...