WARNING: MATURE SCENES
Kristel's POV
The rough wind of La union keeps slapping my cheeks as I walk down from the helicopter.
"Fresh air!" si Clavyna habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.
Bahagya kong hinawakan ang laylayan ng bohemian dress ko dahil nililipad ito.
Pagkababa na pagkababa namin sa helicopter ay umalis na din 'yon kaagad, we're now standing in the middle of a helipad located somewhere in La union. Dito pa lang ramdam mo na kung gaano ka-presko ang hangin hindi tulad sa syudad na polluted.
"Miss Faime, nagugutom na ako." busangot ang mukha ni Heet habang sinasabi 'yan. Ano bang bago? Lagi naman siyang gutom.
Anim kami na bumaba galing sa kaaalis lang na helicopter, ako, si Heet, Rivo, Clavyna, Mich at ang manager nila Rivo na si Sarah.
"Good morning ladies and gentlemen, please follow me.." napalingon kaming lahat sa babae.
Hila hila ang maleta ay sumunod kaming lahat hanggang sa may tumigil na puting van sa harapan. "Find your comfort ma'am, sir.." Isa isa kaming sumakay, may tumulong din na dalawang lalaki para maisakay ang mga gamit namin. Sa front seat umupo yung babae na sumundo sa amin, sila Mich at Sarah naman sa unahan kasunod sila Rivo at Clavyna bago kami.
"I'm sleepy." ani Heet nang subukan kong tanggalin ang ulo niya sa balikat ko. "Hindi ka ba natulog?"
Umiling siya. "Hayne forced me to watch 'Drag me to hell'... it's scary." bulong niya sa antok na boses. Mahina akong natawa, para siyang bata.
We heated our ass for 30 minutes before we reached the said resort.
Pagkababang pagkababa ko pa lang sa van ay hindi maipagkakaila ang mangha sa aking mukha. This is Nirvana!
"Oh my God! Am I in Santorini?!" bulalas ni Clavyna, tulad ko ay nabibilib sa ganda ng lugar.
We are all in awe as we roam our eyes around.
"Welcome to Thunderbird resort! Our resort is a 65-hectare Mediterranean-inspired premier integrated resort in La Union, Philippines. This is also dubbed as the Santorini of Asia. You can experience Greece's world renowned resort town without needing to leave our local shores, with the ever-famous Santorini dome as the resort's primary landmark. We have infinity pools located near the beach. We also offer hotels, apartments, villas, hostels, resorts, and B&Bs. Kindly walk with me and I'll bring you to your rooms." napapamaang kami habang sinusundan ang babae.
Mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ang hindi birong laki ng infinity pool na may magarbong tulay sa ibabaw. Mala kristal sa linis ang tubig at tila higit pa sa salita mahusay ang mga gumawa dahil sa ganda ng pagkakadisenyo, idagdag mo pa ang mga coconut trees sa ibabaw ng pool na nagmimistulang isla. Nasisiguro kong wala pa sa kalahati ng laki ng resort ang nakikita ko ngayon.
Para siyang isang bayan sa sobrang laki. May sariling santorini-inspired chapel at casinos, pati ang mga tables, chairs, and deck na nakapalibot sa pool ay nakakalaglag panga ang disenyo. The entire resort is well maintained, malinis at nasa ayos ang bermuda grass. Hindi rin masakit sa mata dahil maaliwalas ang kombinasyon ng asul, puti, at kaunting bahid ng berde. Even the stones used as a decoration were placed magnificently.
Mula dito sa ibaba ay kitang kita ang naggagandahang hotel na nakatayo sa animong burol. Simple lang ang exterior ng napakaraming palapag na gusaling ito dahil ganoon naman talaga ang disensyo sa santorini, pero nasisiguro kong hindi basta basta ang interior nito.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...