Kristel's POV
After that unworldly happening between me and Heet, I decided to take a bath. Hindi lang siya ang may kailangan ng malamig na tubig, pati ako! Napabuntong hininga ako.
The cold calming water dripping from my head to my toes embraced my skin. Hanggang ngayon ramdam ko ang mainit na haplos ni Heet sa aking katawan. Nakapikit ako habang dinadama ang puso kong hindi pa rin kumakalma. Why am I feeling this? I like him.... I do like him...
Tumingala ako at sinalubong ang agos ng tubig, pakiramdam ko napapaso ako sa tuwing bumabagsak ang tubig sa nag-iinit kong katawan. I admit it, I may have no experience but I'm not that innocent.
Kinuha ko ang sabon at nagsimula nang maglinis ng katawan. I can still feel my knees trembling. Pakiramdam ko din nakikiliti ako sa leeg dahil sa mga halik niya.
ARGH! Nababaliw na ako!
Mabilis kong tinapos ang paglilinis sa katawan at lumusong sa bathtub. Tinimplahan ko na ito kanina, Naglagay din ako ng lavender foaming bath na pagmamay ari ng hotel.
Inilubog ko ang katawan hanggang sa mata at ilong ko na lang ang nakikita. This feels so good.
Nagbabad ako ng isang oras bago naisipang bumangon at magbihis. Isang simpleng hawaiian dress ang sinuot ko na sumasabay sa hangin sa tuwing inihahakbang ko ang paa. Bahagya ko ring ikinulot ang buhok sa dulo para bumagay sa floral print ng aking suot. Tulad kanina, iniwan ko na ang cellphone, tinatamad akong magbitbit.
I asked one of the staffs where the restaurant of thunder bird is, sabay sabay kasi kaming kakain sa buffet nito.
"May kalayuan po siya ma'am, ihahatid ko na lang po kayo." Umalis siya para kumuha ng golf cart, sumakay naman ako dahil napagod din akong maglakad lakad kanina.
"Kris! Here!" kumaway si Mich sa isang table na inuukopa ng anim na katao..
"Mauna na kayong kumuha ng pagkain, ako muna ang magbabantay dito sa pwesto natin." usal ni Sarah. Bumaling ako kay Heet na tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip.
"Hindi ka ba kakain?" sa kabila ng kaba ay nagawa ko pa rin siyang tanungin. Para kasing wala siyang balak kumain o sadyang natutulala lang siya?
"Kakain, sasamahan ko muna si Sarah dito..." aniya ng hindi ako tinatapunan ng tingin. Bumuntong hininga ako, iniisip pa rin ba niya ang nangyari kanina?
Tumayo na lang ako at kumuha ng plato, they serve variety of cuisines, as expected to an international resort. Kumuha ako ng sushi, nakakatakam kasi dala na rin ng plating nila. Most of the dishes are made of seafoods.
Matapos kong kumuha ay bumalik na ako sa pwesto ko. Medyo naguluhan nga lang ako dahil ang kaninang upuan ko na katabi ni Heet ay inuukopa na ni Clavyna kaya wala akong choice kundi umupo sa upuan niya kanina na katabi ng kay Rivo.
I put my plate and saucer down, I'm about to pull the chair but Rivo did it for me. "Thanks." I said.
"Welcome." he smiled.
Nagsimula na kaming kumain. Sa una tahimik lang pero nagbukas ng usapin si Mich kaya naman nagtuloy tuloy na ang kwentuhan.
"Saan ba ang shoot later? Sa dagat?" tanong ni Clavyna.
"Hindi lang naman isa ang setting ng shoot niyo. Gagawa rin sila ng magazine para sa inyo since kayo ang bagong mukha ng kumpanya.." si Sarah. Nasabi rin niya na magsisimulang mag ayos ng 1 pm. Magkakaroon pa kasi ng studio shoot.
Nag angat ako ng paningin dahil sa biglaang paglagay ni Rivo ng ulam sa plato ko.
"Tikman mo yan, that's their specialty." tinignan ko ang pagkain. Hindi ako pamilyar sa luto nito pero seafood din siya. "Sue me if it tasted bad." biro pa niya. Nagtawanan kami bago ako sumubo ng isa.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...