Avila's POV
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. Nakahiga pa rin ako dito sa kama, hindi na rin naman ako makatulog kaya nagmasid masid na lang ako.
Busy makipag laro sila Levi, Sasha, at Lyka kay Zeon habang nagtatawanan si tito at papa.
Hinawakan ko ang kamay ko na may IV, gusto ko ng tanggalin 'to, sagabal lang. Pero paniguradong maraming manenermon sa akin.
"Naiinip ka ba?" nakapamulsang naglakad papalapit sa akin si Levi, gulo gulo pa ang buhok at gusot ang damit.
"Nagenjoy ka makipaglaro, ah?" tumawa siya. "Oo naman. Gusto mo bisitahin na natin yung niligtas mo?" inikot ko ang mata, akala mo naman hindi siya ang pasimuno.
"Tara." inalalayan ako ni Levi paalis sa kama. Balak pa niya akong isakay sa wheelchair! Masakit nga ang tuhod ko pero hindi naman ganon kalala para hindi ako makalakad.
"Kung gusto mo magjogging pa tayo ng limang kilometro!" singhal ko. Kanina pa niya kasi ako tinatawanan dahil ang hina ko daw at kailangan ko pa magpaalalay.
"Magwheel chair ka na lang kaya ate Avila, para hindi kayo mahirapang dalawa." Ngumuso ako kay Lyka na tulak tulak ang kinalalagyan ng swero ko samantalang lumakas pa lalo ang tawa ni Levi.
"Tangina ka." bulong ko.
Kasama ko si Levi at Lyka papunta sa room kung saan naka admit si Sheryl. Ang sabi ni Lyka umuwi na yung mga bisita ni Sheryl dahil gabi na kaya kami naman ang pupunta. Hindi naman kasi pwedeng madami sa iisang kwarto, ang alam ko maximum of 10 persons lang.
Kumatok si Lyka at agad naman 'yong bumukas. "Bibisita din ba kayo sa anak ko?" kung ganoon siya ang nanay niya.
Tumango si Levi. "Opo.." ngumiti ang babae at pinapasok kami. Ang ganda niya at hindi mo maipagkakaila ang pagiging mag ina nila.
"Bes!" kaagad na tinakbo ni Lyka ang distansya sa pagitan nila ng babaeng nakahiga sa kama.
"Lyka!" mukhang malapit talaga sila.
"Maupo ka, kayo ba ang tumulong sa anak ko?" napamaang ako at nilingon si Levi.
Bago pa ako makasagot ay hinawakan niya ang kamay ko. "Gusto ko sanang magpasalamat sa inyo.. hindi ko alam kung ano ng nangyari sa anak ko kung hindi niyo siya tinulungan..." mabilis na lumitaw ang ngiti sa akin. Sinipat niya ang buong katawan ko. "Pasensya ka na hija... nagkaganyan ka dahil sa nangyari.." umiling ako.
"Hindi po, ayos lang po ako." narinig ko ang buntong hininga niya. "Sana tanggapin mo ang pasasalamat ko... ako na ang magbabayad ng hosptal bill---" nanlaki ang mata ko.
"Ayos lang po, ako na po ang bahala doon." hindi siya nakinig.
"Sige na hija, kahit sa paraan man lang na 'to makapagpasalamat ako."
Kaagad akong umiling. "Sapat na po ang thank you ninyo.. hindi naman po kami humihingi ng kapalit. Isa pa, siya po talaga ang nagligtas sa anak niyo.. tumulong lang ako." turo ko kay Levi. Agad siyang hinarap ng babae.
"Napakabuti niyo... ang swerte ng anak ko dahil dumating kayo." nakita kong namula ang pisngi ni Levi. Seriously?
Umiwas siya ng tingin. "B-binabalik ko lang po ang tulong niya samin." bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "Tulong?" ibigsabihin ba hindi niya alam ang ginawa ni Sheryl sa pamilya ni Levi?
Tumango si Levi. "Opo, siya po ang nagpagamot sa tatay ko at nagbigay sa amin ng pansamantalang matitirhan." saglit na natulala ang nanay ni Sheryl bago bumuhos ang luha.
Nataranta naman si Levi. "Shit. May nasabi ba ako?" natawa pa ako kasi panay ang lunok niya.
"Tears of joy..." dahan dahan siyang tumango tango, para bang nagsisink in pa lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Art of Pretending
General FictionKristel Faime Herrano, seryoso at kilalang abogado dahil sa husay nila ng kanilang ama, kilala rin siya dahil sa kagandahan niya at galing sa larangan ng modelling. Heet Brake Dela Raine, isang natatanging doktor at modelo na hinahangaan ng lahat d...