03

172 13 2
                                    

Kristel's POV

"Eh? Talaga? HAHAHA! Nakakahiya ka, attorney!" Tinakpan ko ng kamay ko ang maingay na bibig ni Sheryl!

Nandito kami ngayon sa Starbucks. I told her what happened yesterday. Nag sick leave naman siya ngayon so hindi siya magduduty.

At ngayon, wala nang ibang ginawa kundi humagalpak ng tawa!

"Shh! Tone down your voice!" Saway ko. Maluha luha na siya sa kakatawa. Pinahid niya muna 'yong kaunting butil ng luha sa mata niya bago nautal utal na magsalita kakatawa.

"E p-pano ba n-naman kasi.. pfftt~ pag may kailangang gamot wag mahiyang magtanong kung may ritemed ba nito!" pangaasar nito na kinanta pa ang jingle ng ritemed sa commercial. Inirapan ko siya. Damn it!

"Grabe! Alam mo kung sino mang lalaki yan, sigurado akong makakasundo ko siya!" Tumawa pa siya.

"Sa dinami dami ng pwedeng ipalusot 'yon pa?! Is he even thinking?!" Pagalit ko pang bulong, pero nasisiguro kong narinig ni Sheryl..

"Hahaha! Obviously! He's tripping you! And I wanna meet him! He's really interesting!" Sabi niya ulit. Huminga na lang ako ng malalim. Wala ng ginawa si Sheryl kundi tumawa at purihin 'yong lalaking kinwento ko.

Habang busy siya sa pagtawa ay may nahagip ang mga mata ko sa entrance. Nakapamulsa siya.

Matangkad, matipuno at may kaputian..

He seems familiar? Naka-cap kasi siya ng red at bahagyang nakatungo kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha.

Nagitla ako ng nagderederetso siya maglakad sa gawi ko este sa counter pala. Malapit lang kasi kami sa counter nakapwesto.
Tsk.

"Good afternoon sir, What's your order sir?"

"Caramel Macchiato please." Sabi niya sa counter. Maganda ang boses niya at... pamilyar?

'Wait.. why am I describing him?!'

"Size, sir?"

"Hand me a Grande.."

"Hot or cold sir?"

"Cold.."

"Full name sir?"

"He-----" hindi ko na narinig 'yong pangalan niya ng magsimula na namang dumada si Sheryl!

"Hahaha!! He's really in-----mmm.."

Hindi niya na naituloy ang kung ano mang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya!

Sinubukan kong pakinggan 'yong pangalan pero mukhang tapos na.

"Jeez, you're so loud Sher..." sumipsip na lang ako ng frappe. Kumunot ang noo niya at sinundan ang tingin ko.

"Why? Why?"

"Look at him." Nginuso ko 'yong guy na nakadekwatro at nakatuon ang atensyon sa cellphone, then naka-red cap at leather jacket. Hindi gaanong malayo sa amin ang pwesto. Naningkit ang mata niya at bahagya pang bumuka ang bibig, animong may inaalala.

"You know him?" I asked.

"Hmm.. I'm not sure.. unless makita ko ang mukha niya.." sagot niya. "Pero..." muling napabaling sa kaniya ang atensyon ko.

Kagat-labi siyang ngumiti. "Sure akong gwapo siya!! Kyaaa~!" Mahinang tili niya.

"Psh. Hindi ka na nagtanda Sheryl.."

"Lesson learned na kaya ako!" Umiling iling na lang ako sa kanya.

Minutes passed before she grabbed my hand. "Oh? Why?" Nagtatakang tanong ko.

Art of Pretending Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon